Chapter 11

4.4K 163 22
                                    

A/n: Sorie kung ngaun lang ako nag UD .. bsta kpag naayos ang cp ko tuloy tuloy na ang UD ko.. Nabasa ko ung mga comments niyo maraming maraming salamat sa mga positive comments nio hihi .. Di ko lng kayo mareplayan kc nakikihiram lang ako ng tab.sa mama ko .. Walang kwenta ang chapter na toh .. Thank you guys ♥

Klein at the right side

Someone's Pov

Alas sais na ng gabi ng makauwi si Peach sa condo kaagad siyang nagtungo sa kusina upang magluto ng hapunan

Habang nagluluto siya bigla na lamang lumagapak ang pinto

"Peach! Nandito ka ba?!" kaagad namang pinuntahan ni Peach iyon

"Kuya nandito ako" sagot ni Peach sa pisang si Kevin

Tumingin naman sa kanya si kevin at kaagad siya nitong niyakap

"Kuya anong problema?" Tanong nito sa kanyang pinsan

Kumalas ito sa pagkakayakap at tinignan siya sa mata

"Nag alala ako sa'yo peach! Hinihintay kita sa labas ng school mo ! Ang sabi saken ng isa mong kaklase nung tanghali ka pa daw umalis ng school ,San ka ba nanggaling ha? Buti na lang at walang nangyaring masama sayo! Pinag alala mo ko" Kitang kita ni peach ang pag aalala sa kanya ng pinsang si kevin

Napayuko si Peach

"Sorry kuya" yun na lamang ang nasabi ni Peach

"Wag ka nang malungkot wala na 'yun basta 'wag mo nang uulitin" Saad ni kevin

Napatunghay naman si Peach at ngumiti

"Nga pala gutom ka na ba kuya?" Tanong nito kay kevin

"Oo Gutom na gutom na sa kakahintay sayo"

"Kuya naman" naka ngusong sagot ni peach

"Haha ! Joke lang naman,Nasan na yung pagkain ? Gutom na gutom na talaga ako" Saad ni Kevin

"Malapit nang maluto maghintay ka" Sagot ni Peach sabay belat sa pinsang si kevin

Nagtungo si Peach sa kusina para tapusin ang kanyang niluluto

Ng matapos iyon kaagad niyang inihain iyon sa lamesa at sabay nang kumain ng hapunan

Ng matapos sila lilinisin na sana ni Peach ang kanilang pinagkainan ng biglang tumunog ang kanyang cellphone

"Sige na sagutin mo na ako na ang bahala dito" Naka ngiting saad ni kevin

"Salamat Kuya" Kaagad na pumasok ng kwarto si Peach at sinagot ang tawag

"[San ka ba nagpunta? May practice tayo kanina ,Hinanap ka din sa'ken nung pinsan mo]"

"K-klein pasensya na sumama kasi pakiramdam ko"

"[Bakit hindi mo sinabi? Naihatid na sana kita kanina,Basta uminom ka ng gamot ha]"

"Oo klein salamat ibababa ko na toh"

"[And one more thing]"

"Ano yun?"

"[Palagi kang mag ingat]" seryoso nitong saad at binaba na ang tawag

Naguluhan siya sa sinabi ni Klein pero hindi na lamang niya iyon inintindi

Humiga siya sa kama at di niya namalayang nakatulog na pala siya

*Kinabukasan*

Tapos nang maghanda ng almusal si Kevin

Pumunta siya sa salas at binuksan ang tv

Isang balita tungkol sa karumal dumal na krimen

Ipinakita sa balita ang bangkay ng isang lalaking tadtad ng saksak ang dibdib

"Kuya a-ano yan" napatingin si kevin sa likod niya

"Isang binatang lalaking nag ngangalang 'Mheliton Ocampo' ang natagpuang patay kaninang madaling araw dito sa isang eskinita tadtad ito ng napakaraming saksak sa dibdib .Ang hinala ng mga pulis ay napagtripan ito ng mga lasing o di kaya'y may nakaaway lamang,Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay may hiwa ito sa gawing dibdib at walang makitang puso roon”

Parang napako si Peach sa kanyang kinatatayuan kausap lamang niya si Mheliton kahapon ! Ngunit may bumabagabag sa kanyang isip 'Sino ang pumatay sa kanya'

Kaagad na pinatay ni Kevin ang tv at tumingin kay Peach

"May problema ba?" Tanong ni Kevin sa kanya

"H-ha? Wala kuya papasok na ako" saad nito

"Kumain ka muna" Alok ni Kevin sa kanya

"Hindi na kuya nawalan ako ng gana aalis na ako" Saad ni Peach

"Ihahatid na kita" Saad ni kevin sa kanya

Tumingin si Peach kay kevin ng may pag aalinlangan

"Sige na ihahatid na kita" pangungulit ni Kevin

Tumango si Peach bilang sagot

********

Naglalakad si Peach patungo sa kanyang locker upang kunin ang kanyang gamit

Kaagad niyang binuksan 'yun at bumungad sa kanya ang isang lantang rosas na kulay pula sa tabi nito ay may isang papel na nakatiklop

Kinuha niya iyon at binasa

"Hindi porket mahal kita ay hindi ko na papansinin ang mga ginagawa mo, Ang rosas na yan ay simbolo ng pasensya ko may katapusan, pero ang pagmamahal ko hanggang kamatayan TILL DEATH DO US PART BABE ,AKIN KA LANG"

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now