A/n: MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA NAGCOMMENT :) ITUTULOY KO NA ANG PAG UUD KO DITO ,HINDI KO NA SYA IDEDELETE HIHIH .. THANK YOU GUYS :* HAPPY 4K STEN..MAIKLI LAMANG ANG CHAPTER NA ITO
Mheliton at the right side...
Someone's Pov
'Bakit ganun ang panaginip ko?' Tanong ni peach sa sarili
Napahawak siya sa ulo niya,Naguguluhan na siya
Napatingin siya sa orasan ala una na pala ng hapon
Napabuntong hininga siya
Bumangon si Peach at nagbihis ,
Lumabas siya ng condo balak niyang pumunta sa isang parke
Ng makarating siya umupo lamang siya sa isang kahoy na upuan at pinagmasdan ang mga tao sa paligid niya
"Miss pwedeng maki upo?" kaagad na napatingin si peach sa lalaking nagsalita ngumiti si peach at tumango
"Ako si Mheliton" Pagpapakilala ng binata kay Peach
Napatingin si Peach sa katabing binata
"Ako si Peach" Pagpapakilala din peach
"Ikaw lang ba mag isa?" Tanong sa kanya ni mheliton
"Oo ikaw?" Tanong naman ni peach
"Oo" Naka ngiting sagot ni mheliton
Tumango na lamang si peach
"May boyfriend ka ba?" Nagulat si Peach sa tanong ng binata
"Wala hindi pa ako handa para 'dun" Nakangiting sagot ni Peach
Tumawa naman ng mahina si Mheliton
"Nbsb ka noh" Natatawang saad ni Mheliton
Nakita ni Mheliton na namula ng bahagya ang mukha ni Peach
"Haha! Ang cute mo" Naka ngiting saad ni Mheliton
Tumawa na lamang si peach dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin
May dalawang bata ang lumapit sa kanila at hinila silang dalawa
Inaya silang dalawa ng bata na maglaro
"Naku hindi na kasi kami naglalaro" Saad ni peach ,Nalungkot naman ang dalawang bata sa sinabi ni peach
Ngumiti si Mheliton
"Sige na maglalaro na tayo" Sumaya naman ang dalawang bata sa sagot ni Mheliton
Sa di naman kalayuan ay may isang lalaking nagtatago lamang sa isang malaking puno
Pinagmamasdan 'niya' si Peach at Mheliton na nakikipaglaro sa mga bata
Nang gagalaiti ito sa galit
"Akin ka lang peach! Ako lang ang nagmamay-ari sa'yo ,Ako lang" bulong nito
*****
Alas sais na ng gabi at naglalakad si Mheliton mag isa pauwi madilim na sa eskinitang kanyang nilalakaran
Habang naglalakad siya pakiramdam niya'y may sumusunod sa kanya
Binilisan niya ang kanyang paglakad ng makarinig siya ng isang ingay
Ingay na animo'y may isang matulis na bagay ang kinikiskis sa semento
"Hehehehehe" Nanlaki ang mata ni mheliton ng makarinig siya ng mahina ngunit nakakapanindig balahibong tawa
Nagpatuloy siya sa paglalakad
"Hehehehe" Napatigil na si Mheliton sa paglalakad napalingon siya at nanlaki ang kanyang mata
May isang lalaking nakasuot ng maskarang may nakakapangilabot na ngiti
Nadako ang tingin niya sa hawak nito
Isang kutsilyo
Dahang-dahan naglakad ang lalaki palapit sa kanya hindi siya makagalaw sa sobrang takot
Ikiniskis ng taong yun ang kutsilyong hawak sa pader
Masakit sa tainga ang ingay na iyon
Ng maigalaw ni mheliton ang kanyang mga paa ay qkaagad siya tumakbo palayo sa kanya
Hindi siya pwedeng mamatay
Ngunit sa kasamaang palad ay naabutan siya ng lalaki at sinaksak sa likod
Kaagad na nanghina si Mheliton
Hinugot ng lalaking iyon ang saksak sa likod ni mheliton
Inihiga niya si mheliton at pumaibabaw siya rito
Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo at pinagsasaksak si Mheliton sa dibdib
Napa ungol si mheliton sa sobrang sakit
Malapit ng mawalan ng buhay si Mheliton
"P-parang awa m-mo n-na pa-patayin mo n-na lan-lang ako" Iyak na saad ni Mheliton
Napangisi 'siya' sa sinabi ni mheliton
Hiniwa niya ang dibdib ni mheliton
Tuwang tuwa siya sa nakikita niyang dugong sumisirit
Dinukot niya ang puso ni mheliton at itinapon na lamang kung saan
Tumayo siya at pinagmasdan ang walang buhay na si Mheliton
Naglakad siya palayo sa lugar na 'yun
"Mission Accomplished" Naka ngisi nitong saad
YOU ARE READING
Obsession 1: Kill for Love (On Hold)
Mistério / SuspenseObsession Series 1: Kill for Love Love,Revenge & Sacrifice