Chapter 2

8.2K 207 79
                                    

An: Annyeong Guysss ....Yung Someone's Pov ay Pov ko ...gets nio?? XD ..

I dedicate this Chapter to KimYlreb ...My Maknae Sehuniieee :-*

~~~~~~~xoxo

Someone's Pov

Dalawang linggo na rin simula nung pumasok si Peach sa FH academy ...At sa dalawang linggo na iyon naging matalik na magkaibigan si Jiri at Peach kumbaga Bestfriend ....

Si Klein naman laging Cold pagdating kay Peach ..Ni hindi pa nga nakikita ni Peach na ngumiti si Klein ...

Kakatapos lamang ni Peach at ni Jiri kumain ng tanghalian ... Nagtungo sa Locker room si Peach hindi niya kasama si Jiri dahil may kailangan raw muna itong kunin sa Bahay ...

Kaagad na binuksan ni Peach ang Locker niya upang kunin ang libro niya pero may dalawang sobre ang nalaglag ..Nagtaka naman siya kaya kaagad niya iyong pinulot ...

Nag-iisip siya kung bubuksan niya o hindi ...Maaaring para sa kanya ang dalawang sobreng iyon at maaari ring hindi ...

Binuksan ni Peach ang isang sobre ...Binasa niya ito ..

"Habang tumatagal Gumaganda ka ....Habang tumatagal Lumalalim ang pagmamahal ko sayo ..." ..Yan ang nakasulat sa isang sobre ...Binuksan naman ni Peach ang isa pang Sobre ..Ng mabuksan niya iyon bumungad sa kanya ang isang napakagandang kwintas ...

Nag alinlangan siyang isuot ang kwintas ..Dahil hindi naman niya kilala kung sino ang nagpadala nito sa kanya .... Pero dahil sa katigasan ng ulo ni Peach isinuot niya iyon ...Tinapon na lamang niya ang sulat na natanggap ...

Nagtungo na siya sa Room at umupo ...Bakante pa ang upuan sa magkabila niyang gilid marahil ay wala pa si Jiri at Klein ..

May umupong babae sa kaliwang gilid niya ...Si Courtney ..Ang President ng Room nila ... "Saan mo nakuha iyang kwintas??? ..Sa pagkakaalam ko kasi si Tamara lamang ang.merong ganyang kwintas ...." saad ni Courtney kay Peach ..

Nagtaka naman si Peach sa sinabi ni Courtney sa kanya ..Kaagad siyang humarap kay Courtney ..Nakatalikod siya sa upuan ni Jiri .. "Tamara??.." naguguluhang tanong ni Peach ..

tumango si Courtney bilang sagot .. "Si Tamara Chua ...Campus Princess ..Mabait,Maganda,Matalino,Pala kaibigan,Habulin ng mga lalaki ...Sa paningin ng iba PERFECT siya.." saad ni Courtney na lalong nagpagulo sa utak ni Peach .. "Teka eh asan ba si Tamara???.." tanong ni Peach kay Courtney ..

"I-isang taon na ang nakakalipas simula nung namatay siya ..." natakot si Peach sa narinig niya kay Courtney .. "N-namatay siya?? Bakit??.." naguguluhang tanong ni Peach kay Courtney

"3rd year kami ..Kaklase ko siya ..Alas sais na ng gabi nun ng napagpasyahan naming barkadang umuwi na ..Nasa library kami may ginagawang assignments ..Kaso nagpaiwan si Tamara sa Library ...Nung una hindi kami pumayag pero ng lumaon napapayag niya rin kami ...Nakauwi na kaming barkada ..Alas siete ng gabi tinawagan ko si Tamara pero patay ang cellphone niya ang nasa isip ko baka nakauwi na siya at nagpapahinga ..Pero kinabukasan nun ..Nabalitaan naming barkada na may patay na estudyante sa likod nitong Academy ..Nagdasal kami na sana mali ang iniisip namin ngunit ng makita namin kung sino ang bangkay ..Hindi namin lubos akalain na wala ng kabuhay buhay si Tamara ..." mahabang kwento ni Courtney at tuluyan ng umiyak ..

Hinagod naman ni Peach ang likod ni Courtney para kumalma .. "P-pero sinong pumatay???" pagtatanong muli ni Peach .. "W-walang n-nakakakilala kung sino ang puamatay kay Tamara ...S-sana pala hindi nalang namin siya iniwan ..." sagot ni Courtney ...

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now