Chapter 16

3.6K 143 18
                                    


Someone’s Pov

Nakahinga ng maluwag si Peach ng malaman niyang wala pa ang kanyang pinsan na si Kevin sa condo

Kaagad siyang nagtungo sa kanyang silid

Humiga siya sa kama at ipinikit ang kanyang mata

Napahawak siya sa kanyang dibdib at pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso

Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng kanyang puso

Dahil ba sa takot sa taong ‘yun? O dahil sa nahuhulog na siya dito?

Iminulat niya ang kanyang mata at napatingin sa orasan na nakasabit sa pader

Alas singko y media na nang umaga tutal hindi naman siya makatulog napagpasyahan na niyang maligo para maghanda sa pagpasok

Nang matapos siya kaagad siyang nagbihis at inihanda ang kanyang mga gamit

Maaga pa naman para pumasok kaya’t umupo na lang muna siya sa sofa

Biglang tumunog ang kanyang phone kaya’t tinignan niya iyon

From: Unknown Number
          ‘Kamusta mahal ko? Nakatulog ka ba ng ayos? Kumain ka na ba? Don’t skip okay? I love you,You’re mine.. ONLY MINE

Nakaramdam si Peach ng takot pero nakaramdam din siya ng saya dahil nag abala pa itong magtext sa kanya

Napabuntong hininga si Peach anong pwede niyang gawin para matakasan ang taong ‘yun?

May paraan nga ba kung pano matatakasan ang taong ‘yun? Kung bawat kilos niya ay binabantayan siya?

Konting pagkakamali lamang ni Peach ay maaari siyang patayin ng taong ‘yun

Pero naalala niya ang sinabi nang taong ‘yun sa kanya

Hindi siya kayang patayin nito pero hindi nga ba?

“Ano bang gagawin ko?” Saad ni Peach sa sarili

Kahit ‘san pa siya magpunta alam niyang susundan at susundan padin siya ng taong ‘yun
         
“Wala akong takas sa kanya!” Maluha-luhang sigaw ni Peach

Biglang napaisip si Peach isa lang ang naiisip niyang paraan para makatakas sa taong ‘yun

“Kailangang siya ang mamatay” Seryosong saad nito. biglang napailing si Peach

“Peach ano ka ba?! Kapag ginawa mo ‘yun katulad ka na din niya” Malamunay na saad nito sa sarili

“Wala nang ibang paraan kundi ang magdasal

**********

Natapos ang ensayo nila para sa darating na intramurals

Hanggang ngayon hindi pa din siya kinakausap ni Klein

May nagawa ba siyang mali? Para iwasan siya nito?

Lunch break na kaya’t nagtungo si Peach sa locker room

Kukunin lamang niya ang kanyang extrang blouse para magpalit

Pagkabukas niya ng locker niya may isang kulay itim na rosas ang nakalagay ‘dun katabi naman nito ay isang kulay puting rosas

Nagtaka siya ..

“Isang black rose at isang white rose? Anong ibig sabihin nito?”  Saad nito sa sarili

Nahagip naman ng mata niya ang isang kulay pulang sobre

‘Itim,Puti at Pula?’ Saad niya sa kanyang isip

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now