An: Sorry kasi palagi ko kayong binibitin haha promise sisipagin kong mag UD. Okay yung TILAS na tinutukoy ko sa last chapter .Isang uod yun na punong puno mg itim at matutulis na balahibo .Kapag lumapit ka mangangati ka. Ilang beses yang nangyari saken haha ! Ang lunas jan ay ang pagligo at paglalagay ng pulbos sa katawan .Hindi ko alam ang ibang tawag jan pero sa amin ang tawag sa uod na yan ay tilas. Sorry kung nalito ko kayo hehe ..
ihartbenben thank you so much for the beautiful cover! Sobrang na appreciate ko talaga toh .. Halos maiyak iyak ako kasi ginawan mo ng cover ang story ko.. Thank you so much ! *hugs and kisses* nagloloko si watty ko kaya di ko madedicate sayo .. So mention muna . thank you so much! :*
Someone's Pov
Naglalakad si Peach papasok ng Academy pero laking pagtataka niya dahil lahat ng estudyante halos patakbong pumunta sa loob ng school building
Out of curiousity kaagad siyang tumakbo para makapunta sa loob ng school building pero bago pa siya makapunta ay may humila sa kanya palayo sa building
"Jiri?" Pagtawag ni Peach sa pangalan nito .Tumingin ng seryoso sa kanya si Jiri at napabuntong hininga
"Mas makakabuti pa kung hindi mo makikita" Seryosong saad nito sa kanya .Napakunot ang noo ni Peach
"Hindi kita maintindihan. Ano bang meron sa loob? Halos lahat sila tumatakbo papasok sa loob" Pagtatakang saad ni Peach
"May nakabitin na dalawang tao sa loob ng school building .Sunog na sunog ang katawan nila .Hindi na nga makilala kung sino" Sagot sa kanya ni Jiri. Nanlaki naman ang mata ni Peach sa narinig
Bigla silang napatingin sa may gate ng marinig ang sirena ng pulis. Bumaba ang mga pulis .
Biglang kinabahan si Peach ng may isang pulis ang tumingin sa kanya ng seryoso. Hindi mo matukoy kung ano ang tumatakbo sa isipan nito
Umiwas na lamang siya ng tingin dahil pakiramdam niya hinihigop siya sa paraan ng pagtingin nito
"Are you alright?" Tanong ni Jiri sa kanya. Tumango na lamang siya bilang sagot.
Umupo sila sa isang bench .Ilang minuto pa ay lumabas na ang mga pulis dala dala ang dalawang bangkay
Bigla na naman siyang kinabahan ng naglakad papalapit sa kanya ang pulis na nakatingin ng seryoso sa kanya kanina
"I'm Chief Duran .You're Peach ,right?" Matigas na tanong nito kay Peach. Tumango si Peach
Napakunot naman ang noo ni Jiri kaya siya na ang nagsalita
"Don't tell me pinaghihinalaan niyo siya?!" Galit na tanong nito kay Chief Duran .
"Hindi sa 'ganon. I just want to ask her some questions" Ma awtoridad na sagot ni Chief Duran kay Jiri
"About what?!" Mas lalong nagalit si Jiri sa pulis na nasa harapan niya ngayon
"It's none of your business kid. Peach pwede ka bang sumama sa prisinto? I want to ask you some questions" Saad ni Chief Duran
"No! She's not going with you! She has nothing to do with this damn case!" Napatayo na si Jiri sa sobrang galit. Kaagad namang pinakalma ni Peach si Jiri mabuti na lamang at kumalma ang binata
"S-sige po sasama ako" Sagot na lamang ni Peach
"No! You are not going with him ,Peach!" Sigaw naman ni Jiri .
"Jiri calm down .I'll be fine" Sagot naman ni Peach at ngumiti
Naglakad na si Peach kasama si Chief Duran pero hindi pa sila nakakalayo ay tinawag siya ni Jiri
YOU ARE READING
Obsession 1: Kill for Love (On Hold)
Mystery / ThrillerObsession Series 1: Kill for Love Love,Revenge & Sacrifice