Chapter 19

4.5K 153 56
                                    

An: Nasulat ko na itong chapter 19 pero dahil sa hindi ko ma publish nag log out ako then pagka log in ko ipupublish ko na sana ang chapter na toh kaso nung tinignan ko wala siya ! Sobrang nakakainis ! T^T .ang haba haba na nun eh tapos biglang mawawala? Nakakawalang gana kapag ganun pero dahil sa malapit na naman tong matapos sisipagin kong Mag UD

Q: Kung lalagyan ko ba ng book 2 babasahin nyo? Comment your answer guys thank you

Someone's Pov

Hingal na hingal si Peach ng magising sa isang masamang panaginip

Mahimbing siyang natutulog ng maramdaman niyang may nagtakip ng isang tela sa mata niya at tinali naman ang kamay niya

Naalala din niyang hinalikan siya ng taong 'yun sa panaginip niya

Pero panaginip nga ba iyon? Bakit malakas ang pakiramdam niyang parang totoong nangyari 'yun?

Nadako ang tingin niya sa ibaba ng kama .Kumunot ang noo niya ng may nakita siyang isang kulay itim na panyo na nakalapag doon

Kinuha niya iyon at pinagmasdan ng mabuti . Hindi kanya ang panyong iyon

At hindi siya gumagamit ng kulay itim na panyo dahil para itong sumisimbolo sa kamatayan

Ibig sabihin totoo ang nangyaring pagtakip sa mata niya at pag gapos sa kamay niya

Hindi iyon isang panaginip .Kung ginapos siya ng taong 'yun di kaya pinagsamantalahan siya nito?

Kaagad niyang tinanggal ang kumot sa ibabang bahagi ng katawan niya at tinignan iyon

Walang bahid ng dugo. Ginalaw niya ang katawan niya at pinakiramdaman ang ibabang bahagi niya

Nakahinga siya ng maluwag ng malamang hindi iyon kumirot .Hindi siya pinagsamantalahan

Napahawak siya sa labi niya naalala niyang hinalikan siya ng taong 'yun

Bakit parang nagustuhan niya ang halik ng taong 'yun sa kanya?

At bakit parang ang halik ng taong 'yun at halik ni Klein ay iisa?

Iisa lang ang nakakaalam kung sino ang taong 'yun

Si Courtney. Siya lang ang nakakita at nakakaalam kung sino nga ba ang taong 'yun

Napasigaw siya ng may kumatok sa kwarto niya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pinsan na nag aalala sa kanya

"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" Pagtatanong ni Kevin sa kanya

"A-ah wala 'yun kuya .Siguro'y tulog pa 'yung diwa ko at nung kumatok ka napasigaw ako" Sagot naman ni Peach dito

Tumango si Kevin bilang sagot .Tinignan ni Peach si Kevin .

Kakaiba ang ekspresyon ng mukha nito parang sobrang nababahala at nag aalala

"Bumaba ka na nagluto ako ng almusal .At nga pala may nagpadala sayo ng bulaklak" Saad nito at lumabas ng kwarto niya

Nagtaka siya sa kinikilos ng pinsan niya .Napa iling na lamang siya

Kaagad siyang nagtungo sa banyo at ginawa ang kanyang ginagawa tuwing umaga

Ng matapos siya ay bumaba na siya at dumerecho sa kusina

Nanlaki ang mata niya ng makita sa lamesa ang isang bouquet ng itim na rosas

Bigla siyang nangilabot .Isa lang ang taong pwedeng magbigay sa kanya ng itim na rosas

"Nung inabot ko kanina yan bigla akong nakaramdam ng kilabot" Seryosong saad ni Kevin

"Kilala mo ba kung sino ang nagpadala niyan?" Tanong sa kanya ni Kevin

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now