Chapter 12

4.3K 141 22
                                    

A/n: Hi guys sorry sa sobrang tagal na UD .. Binabasa ko lahat ng comments niyo :) ‘di ko lng kayo mareplayan ..Maraming maraming salamat.♥ ..Heto na ..Enjoy Reading ♥

His Pov

Alas kwatro pa lang ng umaga ay Nakahanda na ako balak kong puntahan ang puntod ng babaeng Minahal ko pero Pinatay ko

Minsan napapaisip ako kung tama pa ba tong ginagawa ko?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko

Gusto kong Pumatay

Gusto kong makakita at makaamoy ng Dugo

Gusto kong marinig ang pagmamakaawa ng mga taong nabibiktima ko

Tuwing nagagalit ako pumapatay ako at ‘yun ang pinakamasayang nagagawa ko sa buong buhay ko

Nakarating na ako sa sementeryo

Pinagmasdan ko ang pangalan ng babaeng nasa puntod na ‘yun

Halo-halo ang nararamdaman ko

Tuwa,Galit,at Lungkot

‘Magmula nung pinatay ko ‘sya halos gumunaw na ang mundo ko ng dahil sa ginawa ko

Lagi kong sinisisi ang sarili ko dahil pinatay ko ang babaeng mahal na mahal ko

‘Sana diko na lang siya pinatay’ Yan ang sinasabi ko noon

Pero pag nakikita ko ang lalaking karibal ko sa kanya nagiging demonyo ako at nasasabing

‘Mas ok nalang na pinatay kita para ‘di ka na nya maagaw pa’

Natapos ang pasukan at nagdaan pa ang ilang buwan magpapasukan na ulit

Gusto ko nang baguhin ang sarili-----buhay ko

Pero nang makita ko si Peach nasabi ko sa sarili kong

‘Hindi ko kailangang magbago ganto na ako..Isang demonyo’

Kamukhang-kamukha niya si Tamara

Lahat ng lalaking nagtatangkang manligaw at manakit sa kanya ay tinatanggalan ko na nang buhay

Nababagay lamang sa kanila ‘yun

Mali sila ng napiling babae dahil si Peach ay AKIN LANG

Pero hanggang ngayon kaagaw ko padin ang lalaking yun kay Peach

Gustong-Gusto ko na siyang patayin pero napapaisip akong masyado pang maaga para alisin ang buhay ng gagong yun

Hindi pa ito ang tamang oras

“Tamara? Kamusta ka ‘dyan sa impyerno? Tch ! Gusto ko na sanang patayin yung lalaking yun para magkasama na kayo dyan pero masyado pang maaga eh!” Saad ko

Bumabalik sa’ken ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan

*Flashback*

Nandito ako sa kwarto ngayon habang umiiyak dahil nag aaway na naman ang magulang ko

“Walangya ka talaga noh?! May asawa ka na pero nakikipaglandian ka pa?! Anong klaseng babae ka?!” Sigaw ng tatay ko

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala kaming relasyon ni Dante?! Napakaseloso mo ! Nakakasakal ka na mas mabuti pa kung maghiwalay na tayo !” Sigaw din ng nanay ko

“Akala mo ba papayagan kitang gawin yun ha Patricia?! Nagkakamali ka !” Sigaw ng tatay ko

“Benj ! Please wag ! Wag mo tong gawin nagmamakaawa ako sayo” Iyak na sigaw ng nanay ko

“Akin ka lang patricia ! At kung ito lang ang paraan para ‘di ka mawala saken gagawin ko araw araw !” Natatawang sigaw ng tatay ko

“Benj wag !”

Hindi ko alam kung anong ginawa ng tatay ko sa nanay ko pero rinig na rinig kong umuunggol ang tatay ko samantalang nasasaktan naman ang nanay ko

‘Diko namalayang nakatulog na pala ako,Nagising na lamang ako na may humahaplos sa mukha ko

Nakita ko ang nanay kong umiiyak

Gulong gulo ang kanyang buhok

“A-anak tatakas tayo ha?” Saad saken ni nanay

Tumango ako bilang sagot

“Hintayin mo ako dito ha? Mag iimpake lang ako” Muli niyang saad at lumabas ng kwarto

Ilang minuto pa’y pumasok na sa kwarto ko si nanay may dala siyang bag

“Anak tara na baka maabutan pa tayo ng tatay mo” Hinawakan ni nanay ang kamay ko

Lalabas na sana kami ng parehas kaming napatigil ni nanay

Nakita kong may hawak na kutsilyo si tatay

“B-benj please hayaan mo na kaming dalawa ng anak mo” Pagmamakaawa ng nanay ko

“Para ano? Sumama sa Dante na ‘yun?! ‘di ko hahayaang mangyari yun !”

“Anak takbo !” Dahil sa takot ko tumakbo ako at nagtago sa ilalim ng kama

Kitang kita kong napahiga si nanay sa sahig

Umupo si Tatay sa kanya

“Benj ! Parang awa mo na wag mo kong patayin ”

Hindi sumagot si Tatay

Nakita ko na lamang na sinasaksak na ng tatay ko ang nanay ko

Tuwang tuwa si tatay habang sinasaksak niya si nanay

Muling pumatak ang luha ko

Umagos ang dugong nagmula sa nanay ko papunta saken

“Haha! Nakita mo ba yung ginawa ko anak? Ang sayang pumatay diba? Ang sarap sa pakiramdam haha ! Magsasama sama din tayo sa Impyerno Anak !”

Nasaksihan ko kung paano patayin ng tatay ko ang nanay ko

*End of Flashback*

Sabi niya masaya daw pumatay akala ko mali siya pero hindi pala

Masaya pala ang pumatay

Ang tatay ko? Hayun nasa mental simula nung pinatay niya si nanay lagi nyang kausap ang sarili niya

Kapag nakakakita siya ng babaeng naglalakad mag isa ginagahasa nya iyon at pinapatay

At saksi ako dun

Nakulong na si tatay pero dahil sa nabaliw siya mas minabuti nang ipasok siya sa mental

Sinimulan ng tatay ko ang pagpatay kaya ako na mismo ang tatapos ng kanyang nasimulan

Lumaki akong mamamatay tao kaya’t tatanda akong mamamatay tao

At mamamatay ako na para bang isang demonyo na nararapat lamang sa Impyerno

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now