Chapter 15

3.4K 134 11
                                    

A/n: Sorry kung ngayon lang nakapag UD .Na author's block ako eh ..Sorry talaga ..Sana magustuhan niyo .. Enjoy Reading

Someone's Pov

Alas kwatro y media ng umaga ng maalimpungatan siya

Hindi niya alam kung nasan siya

Ang natatandaan lamang niya ay yung may lalaking kumuha sa kanya na nakasakay sa Van

Muntik na siyang halayin nito ng dumating ang taong 'yun

Pinagbihis siya nito at hanggang dun na lamang ang kanyang naaalala

"Nasan ba 'ko?" Tanong nito sa sarili

Nadako ang kanyang tingin sa isang maliit na mesa may isang kulay puting supot na nakapatong sa lamesa

Tumayo siya at nagtungo sa lamesa sinilip niya kung anong laman 'nun

Halos mapatalon siya sa sobrang saya dahil pagkain ang laman ng supot na 'yun

Naalala niyang hindi pa siya kumakain pamula kagabi kaya't agad niyang inilabas ang pagkain sa supot at kaagad niya iyong kinain

Alam ni Peach kung sino ang bumili ng kinakain niya ngayon,

'Sino nga ba ang taong 'yun?' Muli nitong tanong sa kanyang sarili

Napa buntong hininga siya hindi niya maintindhan ang nararamdaman niya

Natatakot siya sa taong 'yun pero pakiramdam niya ligtas siya sa taong 'yun

Lumabas ng kwarto si Peach at napagtanto niyang nasa isang hotel siya

Sinalubong siya ng isang babae ito yung babaeng kinausap ng taong 'yun kagabi nung dinala niya si Peach dito

"Good morning ma'am,Magchecheck out na po ba kayo?" Tanong nito sa kanya

"Opo,Pero miss may gusto lang po akong itanong" Saad ni Peach dito

"Sige po ma'am ano po iyon?" Naka ngiti nitong tanong

"Nakita niyo po ba kung sino 'yung nag check in sa'ken dito kagabi?" Tanong nito sa babae

Napaisip ang babae sa tanong ni Peach

"Ah opo ! Isa pong lalaki ang nag check in sa inyo kagabi dito ma'am buhat po niya kayo kagabi" Sagot nito

"Nakita 'nyo po ba kung anong mukha niya?" Muling tanong ni Peach

"Nako ! Hindi ko po nakita yung mukha niya eh naka suot po siya ng Cap at Shades kaya 'diko po nakita saka lagi po siyang naka tungo parang ayaw niyang ipakita yung mukha niya" Mahabang sagot nito kay Peach

Napa buntong hininga si Peach masyado na siyang pinapatay ng kuryusidad niya

"Saka po parang nakakatakot siya" Saad nito kaya napatingin si Peach sa kanya

"B-bakit 'nyo po nasabing parang n-nakakatakot siya?" Utal na tanong ni Peach

"Kasi napaka seryoso niya nung sinabi niya saking 'Take care of her or else' ewan ko ba ma'am pero bigla akong kinabahan nung sinabi niya 'yun" Sagot nito

Hindi makapagsalita si Peach kahit sino naman talaga matatakot kapag ganon ang sinabi

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong nito kay Peach

"Ah opo! Okay lang po ako ,Magkano po ba?" Tanong ni Peach

"Nako ma'am bayad na po binayaran na po nung lalaking nagdala sa inyo dito" Naka ngiting sagot nito kay Peach

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now