Chapter 6

5.2K 183 46
                                    

An: Tinatamad akong mag UD pero boredom strikes me ! XD

Dedicated sa kanya kasi kht boy ciaa bnabasa nia tong story ko XD ..Friend koyan :) ..kamsahamnida sa pagbabasa XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~xoxo

Someone's Pov

Nakakunot ang noo ni peach habang nakatingin sa bintana ng kwarto niya ...

"Ni lock ko toh eh!" kinakabahang saad ni peach sa sarili ..

Lumapit siya sa bintana at sumilip sa labas ..Napansin niyang bukas lahat ng ilaw sa kanyang katapat na bahay ..

Nakakapagtaka naman kasi,Bakit bukas lahat ng ilaw sa katapat niya? Napatingin si Peach sa Wall Clock .. 1:43 na ng madaling araw ..Isinarado na lamang niya ang bintana at derechong pumunta sa kusina upang uminom ng malamig na tubig ..

Binuksan niya ang ilaw sa kusina ..Kumuha siya ng baso at binuksan ang ref ..Isinalin niya ang tubig sa baso at kaagad na ininom ..

*Blaaaaaaaaaaaaaaaag!!!"

Muntik ng mabitawan ni Peach ang basong hawak niya ..Nangilabot siya bigla ...Nilagay niya ang basong hawak niya sa lamesa at dumerecho sa may sala's ..

Binuksan niya ang ilaw at bumulaga naman.sa kanya ang isang vase na basag ..

Nagtaka siya ! Bakit nga ba mababasag yung vase kung nasa kusina siya sa oras na narinig niya yung pagkabasag ng vase?

"Hindi lang ako ang tao rito .." Saad nito sa sarili .Muli niyang naramdaman yung naramdaman niya nung paakyat siya sa rooftop ..

May matang nakadikit sa kanya ! Nagsitaasan ang balahibo niya ng may narinig siyang mahinang pag tawa!

"Hehehehehehe" Gustong sumigaw ni Peach ngunit parang may nakabara sa kanyang lalamunan ..

Agad siyang tumakbo sa may lamesa ..Hinawakan niya ang telepono at pinindot ang numero ng kanyang nakakatandang pinsan ..Nagriring pero walang sumasagot!

"Hehehehehehe" muling narinig ni Peach ang mahinang pag tawa ..!

Agad namang sinagot ng pinsan niya ang kanyang tawag ..

[Insan naman! Natu----] hindi na naituloy pa ng pinsan ni Peach na magsalita dahil bigla na lamang humagulhol sa iyak si Peach ..

[Hey! Anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?!] nag aalalang tanong ng kanyang pinsan

"K-kuya ke-kevin,P-puntahan mo ako ngayon dito sa bahay please? N-natatakot ako kuya..H-hindi lang a-ako ang tao dito" saad ni peach habang umiiyak

[Sh*t! sige ..On the way na ako! Lumabas ka muna d'yan! ..At kung may gawin man siyang masama sayo kaagad kang tumakbo? H'wag mong kalimutang humingi ng tulong kapag wala pa ako ! ] nag aalalang saad ng pinsan ..

Kaagad namang tumakbo si Peach sa labas at dun muna tumigil ..Nanginginig siya sa lamig at dahil narin sa takot ..

Wala pang sampung minuto'y nakarating na si Kevin ..Kaagad namang niyakap ni Kevin si Peach ..

"K-kuya..Natatakot na talaga ako.." saad ni peach habang umiiyak ..Naiiyak na rin si Kevin dahil di niya kayang makitang umiiyak ang kanyang pinsan ..

"Sshh,Nandito na si kuya ..H'wag ka nang matakot ..Tara sa loob .." saad ni Kevin ..Tumango si Peach bilang sagot ..

Tatlong taon lamang ang tanda ni Kevin kay Peach ..Mahal na mahal ni Kevin si Peach hindi bilang pinsan kundi mas higit pa ..Alam niyang bawal iyon pero talagang hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman para sa dalaga..

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now