Chapter 9

4.6K 156 24
                                    

A/n: Nung napost ko ang chapter 8 dpt mag uud uli ako kaso di kimaya Hanggang Chapter 25 lang siguro toh. bawi ako ngayon

Someone’s Pov

Pinaandar ni justine ang sasakyan niya

‘Hindi ako makakapayag na mapatay mo si Peach gaya ng ginawa mo sa kapatid ko,Dahil ako mismo ang papatay sa’yo’ Saad ni justine sa kanyang sarili

Wala siyang gusto kay peach nais lamang niya na protektahan ito dahil kamuha ito ng namayapa niyang kapatid

Naisipan niyang dumerecho sa luma nilang bahay,Yun yung bahay na tinitirahan niya kasama ang kapatid niyang si Tamara nung nabubuhay pa ito

Kaagad niyang pinarada ang sasakyan niya sa tapat ng lumang bahay lumabas siya ng sasakyan

Binuksan niya ang gate

Pinagmasdan niya ang luma nilang bahay

Mahahalatang matagal nang natirahan ang bahay na iyon

Lumakad siya papasok sa bahay

Bumungad sa kanya ang madilim na loob

Nadako ang tingin niya sa isang picture frame

Lumakad siya palapit doon at hinawakan iyon

Bumalik sa kanya ang alaala nung mga bata pa sila

*Flashback*

Nasa isang park sila habang naglalaro

“Tamara! Tara dun oh ,May duyan dun!” Pag aaya ni Justine kay Tamara ,

Sabay silang tumakbo

“Justine,Tamara! Baka madapa kayo!” nag aalalang sigaw ng mama nila

“Hon,Kaya na nila yan” saad naman ng asawa niya,Parehas na lamang silang tumawa at pinagmasdan ang dalawa nilang anak

Umupo si justine sa kanang duyan at si tamara naman ay sa may kaliwang duyan

Lumapit ang magulang nila sa kanila

“Oh picture muna dali ! 1..2..3 ! Smile!” Kasabay ‘non ang pag ngiti nilang dalawa

*End of Flashback*

Tuluyan nang tumulo ang kanyang luhang kanina pa niyang pinipigilan

“Tamara,Namimiss ka na ni kuya kung nasan ka man ngayon sana payapa ka,Sorry kung hindi ka na protektahan ni kuya ha?” Niyakap niya ang picture frame

“Kung naabutan mo lang si Peach Tamara sigurado akong magkakasundo kayo” Muli niyang tiningnan ang picture frame at ngumiti ng pilit

“Alam mo bang kamukha mo siya? Kasing ganda mo siya Tamara” Muling pumatak ang kanyang luha

“Miss na miss na kita kapatid ko”

******

Hindi ‘niya’ alam kung saan pupunta si Peach pero patuloy padin siya sa pagsunod dito

Kaagad ‘niyang’ kinuha ang cellphone niya at nagsend ng message kay Peach

Hawak ni Peach ang cellphone niya kaya’t ng mag vibrate iyon kaagad niya iyong tiningnan

From: Unknown Number

‘San ka pupunta mahal ko?

Nanlaki ang mata ni Peach ng mabasa ang natanggap na mensahe

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now