An: Dun sa mga nagppm saken kung malapit nabang matapos toh well hindi ko pa alam pinag iisipan ko pa.. Icomment niyo guys kung gusto niyo pang pahabain ko pa ang story na toh o tatapusin ko na agad? Hahaha thank you
~thank you kay @itsKeithAshley para sa cover ko ..salamat unnie ♥
Someone's Pov
Naglalakad si Peach patungo sa kanyang classroom ng biglang mag-on ang speaker at nag announce ang isang guro 'dun
"The student's who chose by their adviser for the Intramural's please proceed to the gymnasium now"
Napabuntong hininga si Peach
"Bakit kasi ako pa ang pinili? Hayst!" Bulong nito sa sarili
"Kasi nga ikaw ang pinaka maganda sa room"
"Ay palaka!" Gulat na saad ni Peach habang nakahawak sa kanyang dibdib ng dahil sa gulat
"Mukha ba akong palaka bestfriend?" Tanong ng katabi niya
"Hindi naman Jiri ! Nagulat lang ako kasi bigla kang sumulpot sa tabi ko" Sagot naman ni Peach
"Mga babae nga naman oh masyadong magugulatin haha!" Natatawang saad ni Jiri
"Excuse nakaharang kayo sa daan" Kaagad naman silang napatingin sa likuran nila
"Malawak ang daan pare" Seryosong sagot ni Jiri kay Klein
"I don't f*ckin care tumabi ka na lang palagi kang hara" Galit na saad ni Klein
Kaagad silang nilagpasan ni Klein ,Hindi pa siya nakakalayo ng bigla siyang napatigil dahil sa sinabi ni Jiri
"Ako palaging hara? Bakit dahil ba sa ako ang pinili niya noon at hindi ikaw?" mapang asar na tanong ni jiri
Humarap si Klein sa kanya at tinitigan niya si Jiri ng matalim
"Ikaw ang pinili pero ako ang minahal" Napayukom ang kamao ni Jiri sa sagot ni Klein samantalang nalilito naman si Peach sa pinag uusapan nila
'Sinong pinag uusapan nila? Si Tamara ba?' Tanong ni Peach sa sarili
"Minahal? Bakit nasabi niya na ba sayo na mahal ka niya? Hindi diba?" Naka ngising tanong ni Jiri
Hindi na lamang pinansin ni Klein ang tanong ni Jiri bagkus ay lumakad na lamang siya
Parang kumirot ang dibdib ni Peach dahil hindi man lang siya pinansin ni Klein
"Ano bestfriend? Pasok na tayo? May practice ka pa" Saad ni Jiri habang naka ngiti
Ngumiti si Peach at tumango
Nakapasok na sila sa silid nila inilapag lamang ni Peach ang kanyang bag
Nadako ang tingin niya kay Klein na kakalapag lamang din ng bag matapos nun ay lumakad na si Klein palabas ng silid
'Ni hindi man lang niya 'ko kinausap' Saad ni Peach sa Sarili
"Oh? Bakit naka nguso ang bestfriend ko? Gusto mo ba 'kong halikan? Sabihin mo lang haha!" Mapang asar na saad ni Jiri kaagad namang binatukan ni Peach si Jiri
"Mang asar kapa 'di lang yan ang matatanggap mo haha" Sagot ni Peach
"Oh 'diba may practice ka pa? Hatid na kita" Saad ni Jiri
"Wag na bestfriend kya ko naman" Naka ngiting sagot ni Peach tumango na lamang si Jiri
Lumabas na si Peach ng silid at naglakad patungong gymnasium at nag umpisa na silang magpractice
YOU ARE READING
Obsession 1: Kill for Love (On Hold)
Mistério / SuspenseObsession Series 1: Kill for Love Love,Revenge & Sacrifice