Sa Dagat, Bundok, at sa Langit Mong Bughaw
Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Idagdag ang 'yong ngiting, sa aki'y pumukaw.
Sa bawat galaw mo'y bumabagal ang oras,
Na nagpapahiling sa'king, "Sana'y walang bukas".Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Kahit anong tapang, natotorpeng isigaw.
Damdaming paulit-ulit sa puso't isipan.
Ikaw ang aking mahal, ngayon at kailanman.Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Ang akala ko sa aki'y di ka maaagaw.
Ngunit ang aking haka-haka'y isang pagkakamali,
Akala ko'y ako ang una, ako pala ay nahuli.Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Sakit na nadarama ay umaalingawngaw.
Hapdi ng pagkabigo ay mananatili sa'kin,
Na mas masakit pa kaysa sampal-sampalin.Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Kalungkutan sa puso ko'y nangingibabaw.
Ang kalimutan ka'y magagawa, ngunit di agad-agad,
Dahil sakit na dulot mo, sa puso ay sagad.Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Tanging hiling ko, sa mga bulalakaw.
Matanggap ko ang totoong iba ang minahal mo,
Na kahit kailan, di ako ang pipiliin mo.Sa dagat, bundok, at sa langit mong bughaw,
Bawat panaghoy ko't mga palahaw.
Pinapangako ko, balang araw matatanggap ko,
Hahaarapin ang bukas ng walang pighati mula sa'yo..
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Fun Fact:
This poem is a direct reference to a digital photograph with the same title. These shots we're taken by Vigie Ador from the 14th year, 2nd publish of the one and only, "Utak Berde". This magazine is exclusively produced by De La Salle Lipa. I do not own the title. But the poem is mine. XDDD. And since I was inspired by the photos and the title, I decided to make a poem about it. In Filipino. So, enjoy!
YOU ARE READING
Poems From Icewrack
PoetryWith a frozen breath escaping my mouth, And burning desires coming from the south, Behold are poet lines written in rhymes, Which will send you far to the northern crimes. It will show you love, like it's never burned, It will freeze your heart, 'ti...