Sabi nila, mahirap daw magmahal,
Sabi nila, hindi daw ipinagbabawal,
Sabi lang nila ang lahat ng mga iyon,
Kasi kung madali, bakit hindi sa akin umayon?Sabi ni nanay, kung magmamahal ako'y siguraduhing totoo,
Sabi ni tatay, pag iirog na'y ako ay mabubuo,
Sabi ni ate, pag-ibig daw ay sing tamis ng pulut pukyutan,
Tanong ko naman, "Bakit ganun? Bat' ako'y nasaktan?"Bakit ako'y nabasag na parannng seramiko?
At daang tinahak, mula tuwid, naging liko-liko?
Pati luhang di ko inakalangpapatak sa'king mga mata,
Ang s'ya palang magbabagsak sa akin sa dilim ng planeta.Ang pusong dati nama'y nakakaramdam pa,
Ngayo'y hindi makaramdam, ni kaunting pagkapayapa,
At lahat ng mga halakhak ay naging panaghoy,
Habang puso'y binabasag, tila'y hinampas ng kahoy.Ngayong puso ay wasak, wala nang magawa,
Iingatan ko, aking pusong nahati sa dalawa,
At ikukubli ang kakaunting damdaming natitira,
Hangga't ang lahat ng sakit ay hindi nabubura.Pero sana may umayos ng pusong pira-piraso,
Kung may gagawa man, ay kanya na ang aking puso,
Basag man, siguro ay masasabing hindi na lugi,
Ang pusong inayos ng panahon at kintsugi.
YOU ARE READING
Poems From Icewrack
PoetryWith a frozen breath escaping my mouth, And burning desires coming from the south, Behold are poet lines written in rhymes, Which will send you far to the northern crimes. It will show you love, like it's never burned, It will freeze your heart, 'ti...