Hinabing Ala-ala
(A Requirement for Masining na Pagpapahayag)
Setting: Kaarawan ng karakter. Nakaupo sa upuan at walang magawa. Hapon na. Nakita niya ang mga gamit sa paggagantsilyo at nakaisip ng ideya.
Ako: Haaaay! Ano ba yan? Kaarawan ko pero di ko man lang maramdaman na kaarawan ko. Nakakatamad naman. Ano kayang magawa?(makikita ang sinulid na panggantsilyo) Alam ko na. Maggagantsilyo na lang ako. Igagawa ko na lang ang sarili ko ng simpleng kasuotan. Siguro, isang jacket. Panregalo nam lang sa sarili ko.
(Lalapit sa mga gamit na panggantsilyo)
Ako: Hmmmmm. May naiisip akong kahalintulad ng aking ginagawa ngayon.
Mula sa isang pang-gantsilyong sinulid,
Gawa sa halamang bulak, malinis at tuwid.
Ala-ala mula sa isipan, isa-isa ay nabuo,
Oras na para simulan ang pang habangbuhay na proyekto.Mula sa isa'y nadagdagan ng isa pa,
Hanggang naging sampu at dumadami pa,
Humaba ng humaba hanggang sa magka muwang,
Memorya ng kabataan saki'y nagkapuwang.(Titigil panandalian at titingala)
Paglalaro sa labas ay di ko naranasan,
Pagkat nais ng bumuo saki'y sumunod lang sa kautusan.
"Magbasa at mag-aral ka!" makatarungan nilang sigaw,
Kaya't di napasaakin ang kalayaan ko't layaw.Dahil don ay nabusog ang utak sa kaalaman,
Ngunit nanatiling inosente sa buong kamunduhan.
Ang pagiging ignorante ko ay ginamit ng iba,
Pinagsamantalahan hanggang gusto nila.Ang kanilang kahindik hindik na halakhak,
Hanggang ngayo'y sa akin nakatatak.
"Tama na! Ayoko na! Ako'y pakawalan!",
Ngunit aking pagsusumamo'y di na pikakinggan.(Magpapahid ng mata na animo'y naluluha)
Ang mga buhol na sinimulang maganda at matino,
Unti-unting pumangit na at nagkalito-lito.
Nang makita ang mga mali'y huli na ang lahat,
Kaya't aking naibulong, "Maitatama pa ba?"Ngunit bilang isang tali na meron paring silbi,
Nagpatuloy lang sa pagbuhol, walang ibang paki.
Kahit masakit pa ang sugat sa naganap,
Nagpunas lang ng luha't nagpatuloy sa laban.(Hihinga ng malalim at magpapatuloy sa paggagantsilyo)
Unti-unti ay tumatag nang muli,
Ang isip at kalooban ng batang sawi.
Na kahit namulat sya sa di magandang paraan,
Nanatili pa rin sa kanyang puso ang kabutihan.Pero meron siyang sobrang ikinalilito,
Ito ay kung paano magkaroon ng kaibigang totoo.
Dahil ni isang kaibigan ay wala siya noon,
Kaya nangangapa siya sa dilim ngayon.
At mula sa kadilimang kanyang kinalalagyan,
Natanaw niya'y isang mumunting kaibigan.
Kaibigan ang naging turing niya dito,
Dahil pareho silang may mga maling buhol.(Unti unting ngingiti)
Mula sa isang "Kamusta!" na saki'y nagmula,
Naging isang samahang walang makabubuwag.
Ang dati'y madilim na mundong kinalalagyan ko,
Unti-unting nagliwanag ng dahil sa inyo.Ngunit di pa nagtatapos ang proyektong ito,
Dahil madami pang buhol ang kailangang mabuo.
Mahirapan, madalian, masiyahan man o manlumo,
Patuloy lang ang pagbuo ng mga ala-alang ito.Ako: Ayan! Tapos na! (Mag aangat ng hinabing jacket) Ay mali! Di pa pala tapos. Dahil patuloy ko pang haharapin ang buhay na ito. Kasama ang mga hinabing ala alang ito.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Fun Fact:
This was a requirement of mine in one of my subjects in college, Masining na Pagpapahayag. It was a short skit about how I compared a yarn and weaving to memories of a person. About how memories are linked like chains of knots making a beautiful masterpiece, you.
YOU ARE READING
Poems From Icewrack
PoetryWith a frozen breath escaping my mouth, And burning desires coming from the south, Behold are poet lines written in rhymes, Which will send you far to the northern crimes. It will show you love, like it's never burned, It will freeze your heart, 'ti...