Isang Kumpol ng Pagmamahal

20 1 0
                                    

Alay ko sa'yo, aking sinistinta,
Isang munting regalo't isang munting kanta,
At ang nag-iisang ibibigay ko ng bukal,
Ay isang kumpol ng aking pagmamahal.

Kaakibat nito'y aking sipag at tiyaga,
Nang maibigay ang lahat, higit pa sa nilaga,
Ika'y pagsisilbihan na parang isang prinsesa,
Magandang buhay, iyong matatamasa.

Lahat lahat ay aking ibibigay,
Ako lang ang piliin mong tunay,
Bawat isang nais mo ay gagawin ko,
Pero bakit hindi pa din ako ang pinili mo?

Bakit s'ya pa na hindi ka iniirog?
S'ya na nagiging dahilan ng iyong paglubog,
Pagkalunod sa luha at pighati,
Dahil puso n'ya'y iba ang may-ari.

Pero kahit ganito ay sa'yo pa rin ako,
Kahit walang karapatan, ako ang aako,
Na mamahalin ka ng walang bagal,
At aalayan ka ng isang kumpol ng pagmamahal.

Poems From IcewrackWhere stories live. Discover now