Luha ng Langit

25 1 0
                                    

Luha ng Langit


Sa tuwing makikita ko ang pagkulimlim ng langit,
Di ko maiwasang magtanong ng "Bakit?"
Bakit sa lahat ng panahon ay ikaw ang kasama ko?
Ikaw na lalong nagpapaluha sa mga mata ko.


Hindi ko maiwasang kwestyunin ang panahon,
Kung bakit noong panahong ako'y pinalo ng sinturon,
Noong ako ay unang madapa noong ako ay musmos,
Ang mga ulap ang karamay ko ng lubos.


At nung iwan ako ng aking pinakamamahal na lolo,
Inaway ng mga kakalaseng may masamang kulo,
Nung iwan ako ng nobyo kong sira ulo,
Luha ng langit, kasama ng mga mata ko'y tumutulo.


Naiinis ako sa tuwing umuulan,Dahil ibig sabihin noon, ako'y iiyak na naman,Ayoko nang umiyak, ayoko na sa sakit,Pwede bang tumigil na ang luha ng langit?

Poems From IcewrackWhere stories live. Discover now