Pasensya na kung ako ay napagod,
Sa gyerang mag isa lang akong sumusugod,
Na kahit sa aking sariling puso'y di lugod,
Na kahit ang sarili'y sa lungkot malunod.Pasensya kung ako ay bumitaw,
Hindi naman sa ako ay nasilaw,
Sadyang ang lahat lang sa aki'y luminaw,
Na pag ako ang nangailangan, di kita matatanaw.Pasensya kung pipiliin kong manahimik,
Kasi akoyong kalungkutan ay lalong ihasik,
Dahil alam kong hindi mo maibabalik,
Ang tulong kong higit pa sa iyong masasaliksik.Wala ka kasi nang ako'y nangailangan,
Ng balikat na maaari ko sanang maiyakan,
Dahil alam kong hindi naman ako kahalagahan,
Kahit noong kinailangan mo, ika'y inalagaan.Kaya patawad kung ako'y napagod,
Pangako ko sa'yo na wala nang sunod,
Pangako sa'yo ay hindi na susunod,
Upang sa kalungkutan ay hindi na malunod._-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Fun Fact:
This one was inspired by those who are suffering from depression. It's hard to smile when you know you're not. It's hard when you had every problem and there's no one you can ask for help. When everyone was against you. And you simply give up. And all you can say is sorry.
YOU ARE READING
Poems From Icewrack
PoetryWith a frozen breath escaping my mouth, And burning desires coming from the south, Behold are poet lines written in rhymes, Which will send you far to the northern crimes. It will show you love, like it's never burned, It will freeze your heart, 'ti...