Mia Claire's POV
"Mia!"
Napalingon naman ako sa tumawag sakin at siyempre, kilala ko na agad kung sino siya. Sino pa bang tumatawag sakin ng 'Mia'? Edi si kuyang pogi. Hihi!
Yuck Claire, ang landi mo.
"Oh Gab. Andito ka pala." Sabi ko ng makalapit na siya sakin at umakbay. Ngumiti na lamang siya sa sinabi ko at sinandal niya yung kamay niya sa balikat ko. Kaya no space kami ngayon. Kilig naman ako?
"Ehem. Ehem." Ubo ni Ina. Kasabay ko nga pala siyang pumunta ngayon sa Padilla University kasi mag-eenroll na kami for first year college. Magkaka-iba ang kukunin naming course na magkakaibigan.
"Ina, lumayo ka nga. Mahawaan mo kami ni Mia eh." sabi ni Lucas sakanya habang naka-akbay parin siya. Wala ba siyang balak alisin? Huhu. Mahihimatay ako ng di oras dito eh!
"Sorry ah! Nahiya kasi ako sa pag-akbay mo kay Claire. Di naman kayo!" sabi ni Ina sabay irap.
"Edi hanapin mo boyfriend mo! Para may umakbay sayo. Inggit ka lang eh."
"Makapagsalita parang sila talaga ni Claire." Bulong niya pero narining ko. Di ko lang alam kung narinig din ni Lucas pero feel ko hindi naman. "Tara na nga Claire." Hinila na ako ni Ina at naglakad na kami papuntang canteen kasi andun din sila Ali, Ari, Dria at Lie na hinihintay kami.
Pagkapasok namin ng canteen ay nakita na namin sila agad.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong agad nila.
Padabog na umupo si Ina sa upuan at kinuha yung cellphone niya. "Nakakainis! Lecheng Lucas yan!"
"Sunget netong si Ina. Meron ka ba?" tanong ni Ali.
"Oo huhu! Ang sakit ng puson kooo!! Kainis." Meron nga, tignan mo ang moody. Hahaha!
"Bakit ka nga pala naiinis?" tanong ni Ari.
"Lecheng Lucas kasi yon! Ang feeler! Feeling niya naman sila ni Claire!"
Napatawa naman ako dahil naalala ko nanaman yung pagtatalo nila ni Gab kanina.
"Asus! Yung isa tumatawa dahil kinikilig." pagpaparining ni Ali. Asan ba boyfriend niya at maasar ko din siya, huehue.
"Tapos sabi niya hanapin ko daw boyfriend ko. Di ko nga mahanap kung nasaan si Andre eh. Di pa siya nagtetext simula kaninang umaga. Monthsary pa naman namin ngayon. How dare he forget!" sabi pa ni Catalina ng paiyak.
"Aww okay lang yan. Wala namang forever eh, joke."
"MS. MENDOZA!"
Napatalon naman ako sa upuan ko ng tawagin ako ng math teacher ko. Ano bayan!
"ARE YOU EVEN IN THIS CLASS? CAUSE YOU'RE NOT PAYING ATTENTION TO MY DISCUSSION."
"Sorry Ms." Yun na lamang ang nasabi ko sa teacher ko kahit naiinis ako kasi naputol nanaman yung day dream ko!