Mia Claire's POV
"We are now landing at Ninoy Aquino International Airport in a few minutes."
I woke up when I heard them say that we were about to land here in Philippines. It's been 6? 7 years? Bata pa lang kasi ako ay pumunta na kami sa America at dun na kami nag-stay. Na-assign kasi si Dad doon para sa work niya and pinag-stay siya doon for a year lang dapat. But, they made him extend so that's why after ilang years lang ulit kami naka-balik dito sa Pilipinas.
I'm excited to meet again my loved ones and especially my best friends! Siyempre na-miss ko silang lahat. Ikaw ba naman di mo sila na-meet ng ilang years?
"Claire, are you okay with your things? Mom said na dapat wala daw tayong makalimutan na gamit. Okay?"
"Okay kuya." Kami kasi ni kuya ang unang bumalik dito. Susunod na lang daw sila Mom at Dad after siguro ng isang buwan or ewan.
"Kuya ayun oh!" Tawag ko kay kuya nung nakita ko yung name namin na naka-sulat na isang sign board. Yun na rin siguro yung driver namin.
"Kayo na po ba si Kyle Seth Mendoza at Mia Claire Mendoza?" Tanong ni kuya manong at tumango na lamang kami ni kuya. "Ako po si Thomas Albano. Manong o Mang Thomas nalang ho. Sunod po kayo sakin. Akin na po yung gamit niyo." Sabi ni Manong at ngumiti. He looks so harmless and kind so okay! Hahaha!
"Okay na po ako. Si Claire na lang po yung tulungan niyo kasi mabigat po mga dala 'yang mga dala niya. E' sa payat niyang yan baka mabali pa mga buto niya. Hahahaha!"
"Kuya!!"
"Hahaha! Joke lang. Si baby girl talaga hahahaha!" Ganyan talaga si kuya, mapang-asar pero sweet at protective. Kahit na 17 na ako ay 'baby girl' parin ang tawag niya sakin.
Nakitawa na lamang si Manong at tinulungan din akong kunin ang mga gamit ko patungo sa Parking Lot.
We're on our way home habang si kuya ay kausap si Mom dahil kinakumusta na niya kami. At ako? Nagscro-scroll lang ako sa twitter ko at naisipan ko din na mag-tweet.
@mmiaclaire : at phil *wink emoji*
It only took seconds when I heard 5 notification rings.
@heyitscatalina: @mmiaclaire omgg! sa wakas naka-uwi ka naa! can't wait to see u mwaa *kiss emoji*
@alianahcruz: @mmiaclaire yeeey! imy huhu. can't wait too see you mwa
@ariagrande: @mmiaclaire buti ka pa binabalikan kami, di tulad ng iba haays. hooyy miss na kitaa *crying emoji*
@sandriakath: @mmiaclaire omgg yey! excited to see you waaah!
@liezellexoxo: @mmiaclaire naks naka-balik na siyaa yeees!
@mmiaclaire : @heyitscatalina @alianahcruz @ariagrande @sandriakath @liezellexoxo bbfe! baliw best friends ever! hahaha! ily and imy all. kita-kits bukaas! nyaha!