Mia Claire's POV
Papunta kami nila Alianah at Aria ngayon sa gym. Manonood kami ng training ng basketball. Nauna na umuwi sila Lie at Dria dahil maaga naman talaga sila lagi. Si Ina naman ay may date kasama si Andrei. Hindi daw muna magtre-training kasi trip nila. Lakas.
"Ano bang gagawin natin dun?" tanong ni Ari.
"Manonood nga ng training ni Kuya. Papasama ako sainyo. Hindi pa naman kayo uuwi diba?" sabi ko. Manonood naman talaga ako ng training dahil sabi ni Mang Thomas. Hindi niya daw ako masusundo sa dismissal ko kaya sabay nalang ako kay kuya na magtre-training ngayon. Masusundo niya na daw kami after nun.
"Hindi pa naman dahil matatagalan din yung sundo ko. Ikaw ba Ari?" Sabi naman ni Ali.
"Same sayo."
"Naman pala eh. Kaya samahan niyo na ako. Tsaka Ari, malay mo andoon si Justin diba? Tas makikita na din ni Ali." Humalakhak ako para asarin siya at hinatak na sila para mapabilis ang pagpunta doon.
Nang nakarating na kami ay umupo na kami sa pinaka harap na benches. Oonti pa lang na varsities yung nandoon kaya baka na sa loob pa ng locker room ng mga lalaki sa gym yung iba kasama si Kuya. Malapit na din naman sila magsimula kaya for sure lalabas na din sila in any moment now.
Nakita ko din si John yung kapatid ni Lucas na naka-jersey na. Nakita niya din ako at kumaway siya. Kumaway din naman ako pabalik.
"Alam mo Claire, may nagiba ngayong inlove ka na." sabi ni Ali kaya napatingin ako sakanya. "Dati kasi kung sinasabing manood ka ng training ayaw mo tas tatambay na lang tayo sa canteen. Tas ngayon nanonood ka na. Kuya mo ba talaga papanuodin mo?"
"Or si Lucas? Ehem. Tsaka di ka na din madalas tulala. Hay salamat hahahaha!" Tanong din ni Ari na halatang inaasar nila akong dalawa. Huhuhu.
"Che!"
Ilang minuto din ang lumipas bago nagsimula ang training. Hinahanap ng mga mata ko si Lucas at nung nakita ko na siya ay napa-ngiti ako. Napa-iling na lang ako nang napansin kong nababaliw na talaga ako.
Umupo na ako at lumingon kay Alianah. Nakita ko siyang nakaharap sa cellphone niya at naka-ngiti din. Siguro ka-text si boyfie. Ay teka absent nga pala yun ngayon.
"Ali, ba't nga pala absent ngayon si boyfie mo?" tanong ko.
"May sakit. Buti nga sakanya. Joke! Hahhahaha!" sabi niya habang nakatingin parin sa cellphone. Baliw din minsan 'to eh parang ako, hahahahaha!
Sunod naman na lumingon ako kay Ari na may hinahanap. Si Justin siguro. Yieee!!