Chapter Thirteen

14 2 0
                                    


short chapter ahead!!!

_____________________________

Mia Claire's POV


Sa sobrang kilig ko, nag-offline agad ako sa Facebook para kunyari di ko nabasa. Di ko naman siya sineen. Nabasa ko lang sa notification bar ko.


Babe daw! Shet!!


Gumulong-gulong ako sa kama habang yakap yakap yung cellphone ko kaya nahulog ako sa sahig. "Aray ko." 

Binalewala ko nalang yun at humiga nalang sa sahig. Ramdam ko na mapupunit na yung labi ko sa wagas na ngiti ko. Sorry na. Kinikilig talaga akoo! Tawagin ba naman akong babe?! Siyempre kikiligin ako!



Nang naka-get over na ako ay nag-online uli ako at chineck yung group chat namin. Binasa ko yung mga reactions ng mga kaklase ko. Nakakatuwa. Nakita ko yung kay Ari.


Aria: WALANG AS A FRIEND AS A FRIEND DITO!! WAAAAAHH!! ANG HEART KO!! *insert lots of heart emoji*


As a friend??


Sa curiosity ko ay nagscroll na ako sa message ko na pinagsimulan neto. Kinilig parin ako nung nabasa ko yung pagtawag sakin ni Lucas ng 'babe'. Binasa ko din yung kasunod nun.



Lucas: Babe ko si Claire as a friend. Diba Claire?



Ano daw?! As a friend?!?! May ganon ba?!


Napaupo na ako at sumandal sa kama.

May nag-message uli sa group chat kaya nagscroll ako pababa at binasa iyong mga iyon.



Catalina: Naks! Babe! Yieeee!


Lucas: Babe ko nga lang as a friend. Diba Claire?


Nag-type ako ng message na 'lintik ka. anong as a friend?! walang ganon..' pero binura ko din at di-sinend. Ano ako hilo? Siympre hindi. Nag-type ako ng bago at yun ang sinend ko.


Claire: Ah oo hahaha!


Di ko na pinansin ang group chat at nanuod nalang. Iniisip ko parin yung 'as a friend' na sinabi niya. Lintek talaga na as a friend yan. Onti-onti ay napapangiti ako. Kinikilig parin ako kahit ganon. Damn I'm so inlove that I'd just smile everytime. I'd just smile at things that would make me down.



*****



Maaga ako nagising at excited na ako. Sa bilis nga ng panahon ay pasukan na uli. Kinuha ko muna yung phone ko sa ilalim ng unan ko chineck ang mga notifications ko.


Today: Monthsary


Ay oo nga pala! Monthsary namin ngayon...ng mga kaibigan ko. Binuksan ko yung messenger at yung group chat namin nila Alianah. Nag-voice message naman ako.


"GOOD MORNING! HAPPY MONTHSARY GUYS! I LOVE YOU ALL! STAY STRONG TAYO. SEE YOU LATER!! GIFT KO SA CHRISTMAS PARTY NA HA? LOVE YOU AGAIN! MWA!"


After nun ay naligo na ako at nagbihis. Excited din ako at magbubunutan na. Sino kaya mabubunot ko? Ok naman sakin kahit sino.



Nakarating na din ako sa school ng maaga dahil maaga din si Kuya kaya yun. Dumiretso na ako sa classroom at sigurado onti pa lang din yung mga kaklase ko pero sure ako andun na sila Catalina.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni Aria at Ina.


"Hi babe!" asar pa nila.


Umirap naman ako at kasabay nun ang aking pag-ngiti. Damn it!


In Love With YouOnde histórias criam vida. Descubra agora