Mia Claire's POV
It's been a week. It's been a week since yung announcement sa amin ng adviser namin. Still wala kaming clue about sa new transferee. Wala pang nababanggit na name or kahit apelyido lang. Ang alam lang namin ay lalaki siya. Pati sa kabilang section ay may bago din na papasok. Lalaki din siya at tulad namin, wala na kaming ibang clue.
Ang galing din pala. Kahit nasa kalagitnaan na kami ng 2nd semester ay nagpapapasok pa sila ng mga estudyante.
"Guys! Free time tayo ngayon! Wala yung sunod na teacher natin!" sigaw ng kaklase ko at sabay-sabay naman kaming nag-'yehey'.
Yung iba kong mga kaklase lumabas. Ok lang naman yun. Uso naman ang cutting ngayon pero ako, good girl ako. Hehe.
Nakita kong tulog si Ina. Siguro nag-puyat uli eto. Lagi yang nagpupuyat kaya parang di nawawala eye bags niya eh. Pero kahit na may eye bags yan, maganda yan. Daya nga eh, huhu. Si Aria naman, nagsna-snapchat. Adik yan doon. Wag na kayo mag-taka.
Pinapanuod ko lang ang mga kaklase ko. Yung iba nagsho-shoot ng paper sa basurahan. You know, gawain ng mga lalaki. Yung mga babae naman nagchichikahan.
"Ang boring ngayong araw no?" tanong ko kay Ari. Nagwa-wattpad na siya ngayon.
"Truly." Tipid niyang sagot.
"Ano binabasa mo?" tanong ko. Mukhang focus na focus kasi siya sa pagbabasa.
"Jariana fan-fic hehe."
Oo nga pala, Justin Bieber fan din 'tong si Aria at shipper siya ng 'Jariana' {Justin and Ariana loveteam name}.
Napatahimik naman kaming lahat nung may kumatok sa pinto.
*knock knock*
"Ehem. Good morning!"
Hala! Yung principal namin, huhu.
Ginising ko si Ina dahil baka mapagalitan siya. "Ina, gising. Andito si Ma'am." Yinugyog ko siya. "Huy gising naa!"
"Huh?" sabi niya pagkamulat ng mata niya at mukhang nakuha niya din kaya umayos siya ng upo.
"Where's your teacher?" masungit tanong ni Ma'am Buena sa amin. Bakit ang parang ang sungit niya? Madalas mabait naman siya ah. Baka paluin niya ang mga pwet naming mahiwaga. Huhu, wag sana.
"Ma'am, wala po. Absent po siguro." lakas loob na sinabi nung president ng classroom namin.
"Ohh, okay!" bigla namang ngumiti si Ma'am. Creepy. "Why the scared faces? I'm just jokin' around. Come on." dagdag niya pa at ngumiti uli. Napa-kalma naman kami doon.
"Anyway, I'd like you to meet your new Classmate."
![](https://img.wattpad.com/cover/59942928-288-k267621.jpg)