Mia Claire's POV
"Bye Kuya!" kumaway ako at nagflying-kiss sakanya. Aalis daw siya at pupunta sa bahay ng kaklase niya. May gagawin daw sila.
"Kadira ka!" Di man lang sinalo. Tsk.
Pumasok na ako sa bahay nung nawala na si Kuya sa paningin ko. Buti na lang at may sarili siyang sasakyan at kaya na niya mag-drive. Magpapahatid at sundo din kasi ako ngayon kay Mang Thomas.
Napagusapan naming magkakaibigan na pumunta na lang sa mall. Buti na lang din at pinayagan kaming lahat. Mas masaya kapag kumpleto ang barkada. Kumpleto din ang araw mo. Naks.
"Yaya, nabanggit po ba ni Kuya kung anong oras siya makakauwi?" tanong ko kay Yaya Meding na nagdidilig ngayon.
"Ay hindi eh. Nga pala Claire, anong oras ka aalis? Nasabihan mo na ba si Thomas?"
"Mga 11 po. Dun na po kami magla-lunch. Tsaka, opo, nasabihan ko na po siya."
"Ah sige. Sabi nga pala ng Mommy at Daddy mo na late silang uuwi. Malayo daw ang pupuntahan nila ngayon."
"Okay po."
Tumaas na din ako sa kwarto para maghanda. Kinuha ko ang sling bag ko at nilagay dun yung perang binigay saakin ni Mommy. Naglagay din ako ng panyo tsaka alcohol.
Prinepare ko na din yung mga damit ko. Kinuha ko yung pink na top, dark blue jeans, tsaka pink din na flats.
Pumasok na din ako sa banyo at naligo. Fifteen minutes lang naman ako maligo. I don't understand the logic. Lahat naman nagshashampoo, nagsasabon, etc. Pero inaabot ng thirty minutes o kaya isang oras.
After ko makapag-prepare ay umupo muna ako sa kama ko at iniistalk uli si Lucas sa mga social accs niya. Kahit na naka-turn on notifications na ako sakanya, gusto ko lang talagang nakikita yung mga pictures niya. Kasalanan niya naman eh. Ba't ba siya naging gwapo?
Sa twitter na niya ako ngayon nagsta-stalk at malapit na ako sa kalagitnaan nung mga tweets niya. Nandun sa part tungkol sa summer vacation niya.