Mia Claire's POV
"MAY SUNOG! MAY SUNOG! TARA NA!" rining kong sigaw ng mga kaibigan ko.
"SAAN? SAAN?" Napa-tayo ako. Hala! Hala! Shit.
Nasan na yung phone ko?
Nasan na yung wallet ko?
"HAHAHAHAHAHAHA" Natauhan ako nung tumawa silang lahat.
Ay.
Okay.
Trip lang pala nila ako.
"Bakit niyo ako ginulat?!" inis na tanong ko sakanila.
"Eh pano ba naman?"
"Lutang ka kaya!" sabay na sabi ni Dria at Ali.
"May kwe-kwento ka samin tas bigla kang matutulala."
"Oo galing!", sabi ni Ina sabay palakpak at umirap.
Andito nga pala sila kasi napag-usapan namin na mag-overnight sila sa bahay. Wala si Liezelle dahil nasa Batangas siya with his family.
"Ay. Sorry na. Eto na ikwe-kwento ko na."
Flashback
"You're beautiful." sabi ni Lucas at ngumiti.
Hindi ko inexpect yun at napangiti ako ng wagas at pinipigilan ko yun dahil ang puso ko ngayon ay talon ng talon at baka maalis siya sa katawan ko. Jusko po!
"U-um. Thank you." Nag-sabi na lang ako ng 'thank you' para hindi naman halata na kinikilig ako sa ngiti ko. "Well, yo-" naputol ang sasabihin ko dapat nang biglang tinawag kami ni Tita Carla.
"Lucas! Claire! Balik na kayo dito. Pauwi na tayo. It's already 10 in the evening."
Bumalik na rin kami sa loob at nadatnan namin na nagkakatuwaan sila. Napansin ata nila kami kaya napatigil kami at biglang nagsalita si Tito Richard.
"Hula ko, MU na kayo no?" tanong samin ni Tito. Bigla namang nag'ayiee' sila Kuya, John at si Tita Carla. Ano daw?! MU?! Anong MU?! Alam ba nila na? Omg! Baka ngaaa!
Tumingin ako kay Gab at nakita kong naguguluhan siya. Napansin ata ni Tita Carla yon kaya nagsalita din siya.