Mia Claire's POV
This is the official day na papasok na si Lucas and I just can't wait! Gusto ko ng pumunta agad sa school at makita siya. Ready naman na ako, kaso kumakain palang si Kuya. Naman eh!
"KUYA!! DALIAN MO!! MALE-LATE NA TAYO!" Sigaw ko mula sa sala.
"NAKNANG CLAIRE! ANONG MALE-LATE?! 7 PALANG!" sigaw niya din at nagextra rice pa. What the?!
Tinuro ko ang orasan. "ABA!? ANONG 7 PALANG?! 7:45 NA PO OH!"
"HA?!?!" Nilamon na niya lahat ng nasa plato niya at dumeretso sa kwarto niya para kunin bag niya. Natawa ako at muntikan pa siyang nabilaukan. Tanga.
Siyempre joke lang yung 7:45 na. Inadvance ko yung relo namin kagabi. Hindi lang naman sa excited talaga ako pumasok. Para na rin maka-ganti ako sakanya, hoho!
"CLAIRE TEKA LANG! NAWAWALA YUNG ISA KONG LIBRO!!" Sigaw niya mula sa kwarto niya.
"Daliaan mo! Iiwanan kita!" Well, nasa akin naman talaga yung libro niya. I mean nasa sasakyan na. Hehe.
Nakita kong lumabas si Mommy galing sa kwarto niya habang minamasahe ang sentido niya. "Ang aga-aga nagsisigawan kayo! Mahiya naman kayo sa natutulog. Pagpahingahin niya naman kami ng Daddy niyo! Jusko!" suway niya saamin.
"Bakit Mommy ano ba ginawa niyo kagabi ni Daddy? Maaga naman kayong nakauwi kahapon ah? Maaga din tayo natulog." Inosente kong tanong.
"WALAAA!" sigaw ni Mommy at bumalik na sa kwarto. Seriously? Ang weird, napagod daw sila. Like whaat?
Nakita ko naman na pumasok si Yaya Meding galig sa labas. "Sus maryosep! Jusko marimar! Bakit kayo sumisigaw aber!?"
"Ewan ko po, hehe." Napa-iling nalang si Yaya at pumunta na sa kusina para siguro ayusin ang pinagkainan namin ni Kuya. Oo nga no?Bakit ang ingay naimin ngayon?
Tumingin ako sa orasan. 8 na! "Hoy kuya! 8 na! Iwanan mo na yang libro mo!" sigaw ko uli.
"Jusko Claire! Wag ka na sumigaw. Parang awa!" Lumabas si Mommy sa kwarto at pumasok uli pagkatapos akong suwayin.
"Eto na! Tara na!" sigaw ni Kuya at lumabas ng kwarto kasabay ng paglabas din ni Daddy.
"KAKASABI LANG NA WALANG SISIGAW!" sigaw ni Daddy at akmang babatuhin si Kuya. "Sorry na Daddy. Byeee!" Bumaba na si Kuya sa hagdan at sumakay na kami sa sasakyan.
"Mang Thomas, tara na ho."
"Ay. Walangya! Andito pala libro ko!" Pinulot naman ni Kuya yung libro niya na nasa ilalim ng upuan sa sasakyan.
"Hahahahaha!" Napatawa nalang ako at naka-ngiti the whole ride. Wala lang! Hehe.