na-delete po yung una kaya inulit ko :)
Mia Claire's POV
Kanina pa ako nakatitig sa ceiling at mukhang ewan na naka-ngiti. Kanina ko pa din inaalala lahat ng mga nangyari kahapon nung nakasama ko si Lucas sa mall. Habang iniisip ko yun hindi ko mapigilan ang pakiramdam na inlove. Inlove na ako sakanya.
Ang bilis siguro dahil ilang linggo palang kami nagkakilala ng husto. Pero matagal ko na siyang crush, at matagal ko na siyang pinapangarap. He was my dream and now he's becoming true. Andito na siya, at nangyayari na yung mga minsan ko pinangarap na mangyari kasama siya. Ngayon pa ba ako titigil? Siyempre hindi diba?
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 4 am na. Buti na lang at walang pasok bukas at hindi ako mapupuyat.
I closed my eyes with a smile still plastered on my face and drifted off to sleep and to my dreamland.
***
Monday na ngayon at December na rin. Nagstart na rin ang school na magdecorate. Tinayo na nila ang Christmas tree at nagsabit na ng iilang star lanters.
Naka-upo at nakatingin lang kaming tatlo nila Catalina at Aria sa mga kaklase naming tumutulong na magdecorate. Di na kami sumama dahil mas lalo lang magkaka-gulo. Gets niyo ba? Yung feeling na yung inutusan kayo dati nung elementary pa kayo na magdecorate sa board tas lahat ng mga kaklase mo nagunahan tas aalis ka na lang kasi nainis ka. Hahahaha!
Napatingin naman kami sa kaklase namin na naglalagay ng parol sa ceiling nang bigla siyang nahulog. Napatingin din kaming tatlo na isa't isa at sabay kumanta ng "Hala nahulog log log log log log log log!"
Tumawa naman ang iba naming kaklase.
"Luh! Mema! Mema sabi!" sabi naman ng kaklase naming maliit. Basag trip talaga ang trip ng bulinggit na 'to! Asar.
Ilang sandali din ay nagring na, ibig sabihin na tapos na ang first subject namin na nagging free dahil nga nagdecorate kami. Bumalik na din kami sa mga upuan sakto na bumukas yung pintuan ng classroom. Si Lucas.
Oo nga pala at tamad 'to kaya di tumulong at pumunta sa kabilang section dahil andun din yung tropa niya.
Papalapit siya saakin dahilan ng biglang pagkaba ko pero hindi ko pinahalata. Napatitig ako sakanya at bumilis yung pagtibok ng puso ko kaya nagiwas ako ng tingin sakanya bago niya pa ako mahuling nakatitig. Tumingin muli ako sakanya at napagtanto kong umupo siya sa tabi ko. Mas bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil doon.
Nakatangin lang ako sakanya, kinakabahan at litong tinatanong ang sarili kung bakit siya tumabi sakin. Di kaya?
"Bakit?" tinanong niya ako bigla. Kinakausap niya ako! Para ka namang tanga Claire. Ilang beses ka naman niyang kinakausap dati eh.
"Anong bakit?" nalito din ako kaya tinanong ko din. Di kaya may nalaman siya or baka nalaman niya na may nararamdaman ako sakanya. Hala! Huhu.