Chapter Nine

37 7 3
                                    


Mia Claire's POV



Weeks have passed. Mas kumulit sakin si Lucas and looks like he's getting comfortable. Madalas niyang pinagtritripan yung pencil case ko o kaya ballpen ko. He'll try to get it while I'm using it tapos magpapahabol siya. Madalas niya rin pagtripan yung sintas ng sapatos kapag naka-rubber shoes ako. Aalisin niya tapos kapag aayusin ko, aalisin niya uli. Kulet! Pero nakakakilig, hehe. 

Tulad kahapon. 




FLASHBACK


"Huy! Anong ginagawa mo? Baliw ka ba?!" tanong ko sakanya tsaka nilayo yung ulo niya. Inuutog niya kasi sa tuhod ko. Baliw. 

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Yumuko nalang ako at tinakpan yung mukha ko para di niya makita na kinikilig ako. Baka malaman niya na crush ko siya. 



May naramdaman naman ako sa paa ko kaya tinignan ko iyon. Aba't?!

"Trip mo nanaman sintas ko." sabi ko at inayos yung sintas ng sapatos ko. Pero tinanggal niya uli. Hinayaan ko nalang pero inayos niya din. Baliw talaga 'to. Pero mas baliw ako. 'Lam niyo na, hehe. 



END OF FLASHBACK



I don't know pero yung pangkukulit niya sakin, hindi mo magawang mainis. Hindi lang naman dahil crush ko siya tas madalas na kaming asarin ng buong klase. Medyo  nasanay na rin sila saamin. Basta may iba sa pangungulit niya. And take note, sakin niya lang ginagawa ang lahat ng iyon. Sakin lang siya nangungulit. 



"Ngiti pa more!" 


Nagising naman ako sa katotohanan ng sumigaw si Aria at nang may maramdaman akong tumama sa ulo ko. Pinulot ko yung crumpled paper na binato ni Aria sa noo ko. Ba't di niya na lang binato sa noo ni Ina? Hindi naman landingan yung akin ah, huhu. Binuksan ko ito at binasa ang naka-sulat. Sabi niya basahin ko daw eh. 



'Clareng, sino yang iniisip mo? Si Lucas ba? Yieee! -Aria.'

'Utot mo Arieng. Finally Arieng happened to me, one wash clean sa labada for just 7.50. Hahahaha! Arieng na itatawag ko sayo, hehe.- Claire' 




Crinumple ko yung paper at binato din sakanya. Siyempre lang. Binato niya din saakin eh, hehe. Lumanding din sa noo niya. Ayos! 

Nakita ko si Catalina na nakibasa. Sabay silang nagtinginan at tumingin saakin. "Corny!" 



Dumating naman yung teacher namin kaya umayos na kami. Tumingin naman ako sa upuan na katabi ko. Hindi pa rin dumadating si Lucas. Pero baka late lang 'yun. 

In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon