Chapter Two

71 7 3
                                    

Mia Claire's POV


Holy shit.


Gwapo! 'Lang 'ya! 


Although naka white t-shirt lang siya ay ang hot niya na tignan. Matangos yung ilong niya at baby face din siya. 'Di ako pwedeng magkamali, paniguradong maraming nagkakagusto sakanya. 


"Ivan, John! Tara na! Inaantay na tayo.", sabi ni kuyang gwapo habang tumatakbo  papalapit samin. 

"Ayy. Kailangan na pala namin umalis. See you nalang uli next time." sabi nung isang maputing lalaki na kamukha niya si Lucas at tumakbo na rin sila papalayo. 

Wala na kaming nagawa kundi tumango na lang dahil naka-alis na rin sila. 


Naglalakad na kami papuntang parking lot nang biglang siniko ako ni Catalina. "Crush mo no?", tanong niya? 

"Huh? Sino? Eh si Daniel Padilla lang kaya crush ko!", tanggi ko naman.

"Halata girl! Huli ko kanina yung tingin mo kay Lucas! Yung tingin na may pagnanasa. Hahaha!", sabi naman ni Liezelle. "Joke! Basta may pagtingin ka.", ngiti pa ng loko na may halong asar. 


Napatigil tuloy kaming lahat sa paglalakad at nag-form ng circle habang inaantay nila yung sagot ko.

"So ano? Crush mo nga?", tanong uli ni Catalina. 

"Masama magsinungaling, kaya..oo." 

"Yes!"

"Ayun umamin din!" 

"Wag ka magalala, magugustuhan ka din nun. Promise!" 

"Loveteam name nila umm,.." 

"MiaLu" 

"Mga adik hahahahaha! Tara na. Gagabihin na tayo." sabi ko sa kanila at nag-start uli kaming maglakad pero di tumigil ang pang-aasar nila sakin. 


"Bye Dria! Kita-kits uli bukas!", sabi ko pagbaba ni Sandria sa sasakyan. 

"Sige. Ba-bye!" 


Sumabay kasi sila ni Catalina sakin dahil same ang way namin. Tapos sila Liezelle at Aria ay sumabay kay Alianah dahil same din ang way nila. 



"Good morning baby girl." bati sakin ni kuya pagkadating niya sa dining. Ki-niss ko siya sa cheeks at ki-niss niya naman ako sa forehead. "Good morning din 'Ya." 

"Sakto. Kain na kayo ni Claire ng umagahan. Malapit na maluto yung mga bacon." 

"Ok po." 

~

"Ingat ka baby girl ah. Tas kapag paalis ka na ng bahay text me. Okay?" 

"Okay kuya. Ingat ka din. Bye!" 


Aalis din kasi si kuya para makipag-meet sa mga friends niya dati. At ako, mamaya pang mga hapon. 


Habang wala pa akong ginagawa ay tri-ny kong hanapin yung social media accs ni kuyang pogi. Kung meron man. 


I searched for "Lucas" muna sa facebook pero ang daming Lucas ang lumabas. Ano ba last name niya? 

Tinignan ko yung mga profile pictures ng mga "Lucas" na lumabas pero wala akong nakita na picture niya. Huhu. 

Tanong ko kaya sa mga kaibigan ko? Eh! Baka asarin nila ako huhu. Anyway sige na nga. 


Nag-chat ako sa group chat namin sa fb.

In Love With YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang