nakita niyo ba ig post ni kath? nakakakilig huhu.
Mia Claire's POV
Gumagawa kami ngayon ng isang art work na pinapagawa ng teacher namin na isang pot gamit ang clay. Hirap na hirap kaming bumuo dahil hindi namin alam. Nagmumukha lang siyang cup bowl na cap na ewan. Pambata naman kasi 'tong pinapagawa samin. High school na kami my goodness!
"Pano ba 'to?? Ang hirap naman!! Ayoko na!!!!" reklamo ni Ina at sinira uli yung clay at inulit pero sinira niya uli at sinira.
Tumigil naman ako sa pagbubuo din ng pot at tumingin kay Ina. "Effort kasi, effort!! Yung pinaglalandingan ng mga airplane. Effort!! Hahahahahahhahahahaharayyyy!!" Binatukan ako ni Ari sa joke ko. Havey kaya.
"Ang corny naman ng babe ko." Asar niya pa kaya napangiti ako at umiling. Naalala ko nanaman.
Malapit ko na din ma-perfect yung pot sa wakas. Tinigil ko na muna para magpahinga. Tumingin din ako kay Lucas at nakita ko siyang seryoso. Shet, gwapo!
Dahil naka-side view siya, kitang kita ko kung gaano ka-tangos yung ilong niya. Ang perfect kasi ng pagkatangos. Bagay sakanya at nakaka-attract.
Bigla naman siyang napatingin din sakin at agad kong iniwas ang tingin ko. Ayan! Titig pa kasi.
Tinuloy ko na lang uli yung pagaayos sa pot ko. Matatapos na rin ako.
Ilang sandal din uli at tumingin uli ako kay Lucas at sa pot na ginagawa niya. Ba't ang ganda?! Paano niya nagawa yun?!?!
Biglang nagsalita si Ina kaya napabaling din ako agad sakanya.
"Paano mo nagawa yan Claire?? Malapit ka na matapos huhu! Sakin mukhang tae parin, huhuhu!!"
Tinuran ko siya gawin yung sa tip ng pot para sabay-sabay na rin kami magpasa. Na-perfect ko din yung akin pero ang ganda talaga ng kay Lucas. Napa-pout na lang ako sa naisip.
Nang tapos na lahat ay umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Next teacher namin ay yung adviser naming tsaka last subject na rin namin bago uwian.
Hindi naman kami pwedeng lumipat ng upuan ngayon dahil ayaw nun ng teacher naming at lalagpas kami ng dismissal time sa sermon.
Inayos ko na lang muna yung mga gamit ko at naaalala ko na may dala ng pala akong chocolate na bilog na may almonds sa loob. Kakainin din pala dapat namin 'to nila Aria tsaka magtitira para kila Ali, Dria at Liezelle dahil favorite din nila 'to at aamuyin naming yung plastic na pinaglagyan pag ubos na. Mabango kasi. Hahahaha!!
Kinuha ko ang muna ang isang plastic dahil dalawa ito at lumapit kila Ina. Hindi naman siguro ako sisitahin. May dala din kasi akong pagkain.
