Chapter Seven

49 7 4
                                        


Mia Claire's POV 


"Tara! Puntahan na natin si Fafa Lucas!" Girl 1. 

"Grabe di ako mapakaniwala na schoolmate pala natin siya! Omg talaga!" Girl 2. 

"Tsaka ang gwapo gwapo niya!" Girl 3. 

"Gusto ko nga magpa-picture eh!" Girl 2. 

"Sana mapansin niya ako, tas maging kami! Hihi!" Girl 3. 



Kanina pa ako naiinis sa nagkwe-kwentuhan na mga girls sa likod namin. Di uso kumain? Sabagay mga mukha silang baboy. 

Hinayaan ko nalang sila at inalala ko uli yung nangyari kanina. Si Lucasbabes ko andito na! Tas kinausap niya pa ako tas shet! Kinikilig talaga ako! 


"Alam niyo kung di lang natin kaibigan 'tong si Claire, kanina ko pa binuhusan ng ice tea. Kanina lang halos yung kilay niya magkasalubong tas ngayon wagas makangiti ng mag-isa. Baliw ata to eh." Sabi ni Aria. 

"Ay ate, naligaw ka yata ng table." Pagsakay naman ni Alianah sa trip ni Ari. 

"HAHHAHAHAHAH!" Tawa naman nilang lahat. Bully po sila huhu.


"Hi babe!" 

Napatingin naman kami kay Josh na naka-upo na agad sa tabi ni Ali. Bilis talaga neto. 

"Hi din babe! Kumain ka na?" 

"Yup." 


Nakalimutan yata nila na andito kami, huhu. Kaya kumain nalang uli kami kasi ka-forever namin ang foods, hehe. Single problems. 

Napa-isip ako, agawin ko kaya si Daniel kay Kathryn? Omg! Pwede! Tas mapapalitan yung mga fansclub ng ClaiNiel KaDreamers, ClaiNiel Spikers, tas sasabihin din nila 'We live in a ClaiNiel World.' Hehe. 

"Clareng, kumain ka na. Tulala ka nanaman." 

"Ayy sorry na po." 


Pero ang saya siguro nun no? ClaiNiel. Astig. Ako na bagong 'Teen Queen'. Kaso di na teen si Dj. Huhu, sayang. 


Kinalabit ko si Catalina na nasa right side ko, "Ina, agawin ko kaya si Daniel?" 

"Subukan mo, itatapon kita sa Mars." sabi niya at inirapan ako, huhu. 


Si Lie naman tinanong ko, "Liezelle, agawin ko kaya si DJ kay Kath?" 

"Manahimik ka. Tsaka asa ka naman na maagaw mo siya." sabi niya at sumubo na ng kinakain niya. Ay, si Ali tatanungin ko din kaso magkausap pa sila ni Josh. Iba nalang. Ayoko sila istorbohin, hehe. 


"Ari, agawin ko kaya si DJ ka--". Agad niya namang pinutol ang sasabihin ko. "Akin lang siya, asawa ko siya. Mas nauna ako sayo kaya ako legal." 

"Weh? Ikaw ba si Kathryn?" Pambabara ko. "Oo, bakit? Manahimik ka na. Kumain ka na." Di talaga sila supportive sa fangirling life ko, huhu. 


"Nga pala, may bago akong kaibigan, teka lang tawagin ko. Ipapakilala ko siya sainyo." Napatingin naman kami kay Josh at tsaka tumango. 

In Love With YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora