NABIGLA man si Luna nang siilin siya ng halik sa labi ni Sol—ang lalaking bumuhay ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan, wala siyang pagdadalawang -isip na gantihan ang marahas at mainit na halik na iginawad nito sa kanya.
Walang alinlangan nitong tinanggal ang pang-itaas na kasuotan ni Luna. Mula sa labi, bumaba ang naglalagablab na halik ni Sol patungo sa leeg niya. Ang nakakakiliting pagdampi ng labi nito ay unti-unting bumaba at otomatikong tumungo sa kanyang baywang at pusod. Bawat pagdampi ng kamay nila ay tila kinakabisado ang hugis ng kanilang mga katawan.
Ang bawat haplos ng kamay ni Sol sa kanyang katawan ay mas dobleng pagnanasa naman ang kanyang isinusukli. Gusto niyang maramdaman ng binata ang kanyang pananabik na maging isa ang kanilang katawan. Ang tagal nilang hinintay ang mga sandaling iyon. Oo nga't wala silang relasyon ni Sol ngunit sapat na ang kakaibang pagnanasang nararamdaman nila sa isa't isa sa tuwing magsasalubong ang kanilang landas. Sandaling oras lang iyon pero hindi maipaliwanag ni Luna kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya rito.
Dahan-dahan nilang tinanggal ang kanilang kasuotan habang ang mga labi nila'y hindi maipaghiwalay. Animo'y uhaw na uhaw sila sa isa't isa hanggang sa sabay nilang inalis ang kanilang natitirang saplot sa katawan. Mariing napahawak ang dalaga sa ulo ng binata nang pagtuunan naman nito ang kanyang malulusog na dibdib. Halos ikabaliw niya ang sensasyong dulot nito. Ang katawan ni Luna na noo'y uhaw at nanlalamig ay nilukuban ng mainit at kakaibang enerhiya.
Pakiramdam tuloy nila ay solo nila ang buong mundo at kalawakan na parang walang ibang nilalang ang makapipigil sa kanila. Ang bawat ihip ng hangin at lamig na dulot nito na tumatama sa kanilang mga balat ay mas nakakadagdag ng init sa kanilang katawan.
Ilang sandali pa'y tuluyang inangkin ni Sol ang napakagandang katawan ni Luna. Sa una'y mabagal lang ang paggalaw ng kanilang katawan na para bang sumasabay sa bawat ritmo ng musikang sila lamang ang nakakarinig. Mula sa mabagal, pabilis ito nang pabilis... ang init at lamig na naghalo ay nagdulot ng kakaibang kulay, sigla at pakiramdam sa kanilang katawan.
"Nakakabaliw ka..." ani Sol habang titig na titig ito sa kanyang mga mata.
"I... I love you, S—" hindi natapos pa ni Luna ang sasabihin nang bigla na lang tumayo ang lalaki at hindi na nito tinapos pa ang ginagawa. Alam niyang galit na naman ito. Ano bang masama? Gusto lang naman niyang makasama na talaga ang binata dahil hindi lang naman pagnanasa ang nararamdaman niya para kay Sol kundi pagmamahal.
"Hindi tayo p'wedeng magsama ng matagal, Luna! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yan?" galit na turan nito.
"H'wag kang magalit, hindi ko na pipiliting magsama tayo. Handa akong maghintay ng tamang oras na muling magkaroon ng solar eclipse makasama ka lang." Malungkot man, pilit pa ring pinasigla ni Luna ang boses upang hindi nito mahalata na dismayado na naman siya.
Gusto lang niya maranasan 'yung hindi na kailangang maghiwalay at hindi parating sisilay lang ng ilang oras mula sa malayo.
"Hindi kita mahal," anito at walang paalam itong umalis.
Kitang-kita niya ang unti-unting paglaho nito sa kanyang harapan. Muling lumukob sa katawan ni Luna ang lamig at dilim. Ilang daang beses na ba niyang naranasan iyon? Sa dami no'n ay hindi na niya alam ang eksaktong bilang. Paulit-ulit niyang nararamdaman ang eksaktong pakiramdam na iyon sa tuwing iniiwan siya ni Sol.
Hanggang doon na lang ba talaga? Hanggang pagnanasa na lang?
Ayaw man niyang umalis ito, wala siyang magawa. Mukhang kailangan na nga niyang tanggapin na may mga bagay na hindi p'wedeng ipilit pagsamahin katulad ng langit at lupa, tubig at langis...
maging ang araw at buwan.
"SIR, ano po ba ang nagustuhan ni Sol kay Luna?" tanong ni Marlon sa kanyang guro sa Filipino na pawang singkwenta anyos ang edad, habang ang mga ibang estudyante naman ay tahimik lang na nakikinig at naghihintay sa isasagot ng matanda.
Napangiti ito at tumikhim bago sumagot. "Si Luna ay isang napakagandang dalagita."
"Talaga po? Langya pati pala ang araw, hokage na rin. Tinitikman lang ata ni Sol si Luna tuwing solar eclipse," natatawang saad ni Marlon kaya ang kanina'y tahimik na silid aralan ay napuno ng tawanan at asaran.
Nagkibit balikat ang matanda at napatingin sa labas ng bintana. Doon niya napansin na nagsisimula nang kainin ng dilim ang liwanag. "Sabi ng mga ninuno noong unang panahon," bungad niya at otomatiko namang nanahimik ang lahat. "Umibig daw si Luna sa isang hari kaya simula no'n, gumagawa siya ng paraan para makasama niya si Sol at doon daw nagsimulang magkaroon ng solar eclipse."
Kunot noong napatingin din si Marlon sa kalangitan. Mas lalo siyang nalito sa isinagot ng kanyang guro. "Paano? Nagse-sex sila pero wala naman silang sexual organ. Grabe sila.."
"Oo nga, sir!" singit naman ng isang estudyante. "Imposibleng nagse-sex sila o kaya'y mapamahal si Luna kasi wala naman siyang ano—"
Dahan-dahang iniayos ng matanda sa kanyang mga libro at ang iba pang kagamitan niya sa pagtuturo. "The sun only sees body but moon is like a woman, it can see your soul," nakangiting saad nito. "Kayong mga bata talaga. Isa lamang iyong kuwento ng matatanda. Binigyan ko lang kayo ng magandang idea para sa gagawin n'yo." Ilang sandali pa'y biglang tumunog na ang bell ng eskwelahan na hudyat ng pagtatapos ng klase. "Be ready para sa inyong creative writing sa next week, okay?" paalala ng guro.
"Yes, sir!" sagot ng ilang estudyante habang ang iba naman ay walang pakialam dahil abala sa pag-aayos ng mga gamit.
Ilang minuto ang nakalipas at tuluyan nang lumabas ng silid ang mga mag-aaral maliban kay Marlon. Lumapit siya sa matandang guro na ngayo'y binabasa ang kanilang essay. "Sir?"
"Bakit?" tanong ng matanda habang ang atensyon ay nakatuon pa rin sa ginagawa nito.
"Ano po ba si Luna?" kunot noong tanong ni Marlon.
Otomatikong napaangat ng tingin ang guro ay mataman siyang tiningnan nito sa mga mata. "Si Luna ay isang Diyosa ng buwan. Dahil sa kagandahang taglay nito, lahat ng nilalang sa kalawakan ay kaya nitong paibigin maliban kay Sol."
"Bakit?"
"You'll know in the right place and the right time." Kasabay ng pagkindat ng matandang guro ay ang pagkislap din ng munting liwanag mula sa mata nito.