3: Sintomas-Panlunas

442 11 34
                                    


Tumingala siya sa bughaw na kalangitan, pinagmamasdan ang langkay ng ibong itim na tila susugod sa isang giyera.
Ngunit ang giyera, madalas, nagaganap sa sarili; nagdidigmaan ang kaniyang samu't saring emosyon.
Kinuyom niya nang mahigpit ang parehong palad. Mayamaya pa'y may pumukaw ng kanyang atensyon....
* * *
Apoy.
Abo.
Asbok.

Ikalawang sintomas:
Magkakaroon ng isang malawakang pagsabog. Kakalat ang apoy. Lilindol, guguho ang nagsisipagtatayugang mga gusaling nilikha ng mapag-imbot na puso ng tao.
Hindi mabilang na buhay ang masasayang sa isang putukan.
Magwawakas ang lahat sa pagkatupok hanggang sa maging abo. Tatangayin na lamang ng hangin ang usok ng abo ng mga nasawi—kasama ang mapag-imbot na puso ng tao.
Numero-tatlo.

Yumayanig. Halos magiba na ang pundasyon ng kama. Pabilis nang pagbilis ang pagbayo sa kanya na nagdudulot ng samu't saring sensasyon. Ang sa kanya'y mahihinang impit at daing, samantalang sa lalaki'y kahayukan at halinghing.
Wala nang nagawa si Aphrodisia kundi ang umiyak. Nalalasahan na niya ang sariling mga luhang nahahaluan ng alat ng pawis ng lalaki. Bagamat nanlalabo, sinubukan niyang imulat ang mga mata. Kitang-kita niya—nakapikit ang lalaki, bahagyang nakaawang ang bibig na pinagmumulan ng sunod-sunod pang paghalinghing. Napasadahan din ng kanyang tingin ang mabuhok nitong kilikili habang ang dalawang kamay ay nakakapit sa "headboard" ng kama.
Sa ilan pang pag-ulos nito, umaalog nang umaalog ang kanyang kabundukang walang awang pinatag kani-kanina lang. Lagas na lagas na siya.
Nalalapit na ang karurukan! Mas bumilis pa nang bumilis ang ritmo at mas lumakas pa nang lumakas ang pag-awit, naramdaman niyang may kung anong pumutok sa kanyang loob—hudyat na magtatapos na ang konsiyerto.
Unti-unting natupok ang nagbabagang apoy ng pagnanasa. Isang malalim na paghinga ang kumawala sa lalaki.
Nararamdaman na ni Aphrodisia ang iniwang hapdi sa kanyang kaselanan. Nakatingin lang siya sa puting kisameng may bahid ng kaunting agiw. Marahil, wala na siyang ipinagkaiba roon. Ngunit ang sa kisame ay natural, samantalang ang sa kanya ay ginawa nang aktuwal.
"H-hayop ka...." humihikbi niyang sumbat sa lalaking kasalukuyan nang nagbibihis.
Bumuntunghininga ang lalaki. Nginitian siya nito. Isa-isa nang kinalag ang mga tali sa magkabila niyang kamay at paa.
Gusto niyang suntukin at tadyakan ang halimaw, ngunit naubos na ang natitira niya pang lakas. Dahan-dahan, kusang nagsara ang mga mata niya. Kadiliman.
Ginising si Aphrodisia ng hangin ng madaling-araw. Ang lamig niyon ay nanunuot sa hubad niyang katawan. Ramdam niya ang bigat ng kanyang mga mata—ng buo niyang katawang-tao na hindi naingatan.
Sa basag na salamin ay pinagmasdan niya ang kanyang kahubdan. Gulo-gulo ang alon-alon niyang kahel na buhok. Mababakas sa makinis at maputi niyang kutis ang mangilan-ngilang galos. Ganoon pa man, litaw na litaw pa rin ang kanyang alindog.
Muling sumagi sa balintataw niya ang madalas ikuwento ng kanyang mga magulang.

Noong unang panahon, nang dahil sa galit kay Zeus, humiling si Hera kina Gaia at Tartarus na lumikha ng isang napakalakas na diyos-halimaw. Isinilang si Typhon—isang higanteng sa sobrang taas, ang ulo ay sumasayad sa mga bituin. Ang kanyang ulo ay may isandaang ahas na sumisigaw ng iba't ibang tunog ng hayop. May bisig siya ng gaya sa tao. Ang kanyang mga binti ay mga nakalalasong ahas na gumagapang sa tuwing siya'y gagalaw.
Nang lumusob si Typhon sa Mount Olympus, napagdesisyunan ng mga diyos at diyosa, maliban kina Zeus at Athena, na tumakas.
Si Aphrodite, ang Diyosa ng Pag-ibig at Kagandahan ay isa sa mga tumakas, kasama ang anak niyang si Eros. Nag-anyong-isda ang dalawa, nilangoy ang kahabaan ng Ilog Nile, kasama pa ang dalawang isda, Nagkataong ninuno ni Aphrodisia ang dalawang isda na iyon.
Naging matagumpay ang pagtakas nina Aphrodite at Eros, kung kaya bilang ganti, biniyayaan ng diyosa ang lahi nila: kakaibang gandang natatangi sa lahat ng uri ng isda.

Hinanap ni Aphrodisia ang kanyang mga damit na mabilis naman niyang nasumpungan sa sahig. Nahagip ng mata niya ang isang kuwintas na pinatid ng demonyo. Falcon, nasaan ka na ba?
Mula sa bintana, tinanaw niya ang kalangitan. Ang abuhing mga ulap ay nasisinagan ng malamlam na buwan na animo'y nahihiya. Walang kahit isang bituin; kung mayroon man, hihilingin din niyang mawala na lang sana, sapagkat para sa kanya, maling pag-asa ang ibinibigay niyon. Ang kislap ng bituin ay para lamang sa mahihina.
Sa 'di kalayuan, payapang natutulog ang isang bulkan. Naisip niya, isa rin siyang bulkang nais sumabog—ngunit hindi pa naabot ang sapat na init ng galit. Mahina nga ba siya?
Nang madaling-araw na iyon, umulan.

Second Battle: LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon