"Hon, yung number three naman." Hingal na hingal ang babaeng pinagmumulan ng pakiusap.
"Page 3, o number tri?" tanong ng lalaking pawis na pawis sa ginagawang pagbayo.
Sa kabilang banda ay napapangiti lang si Arthur sa pagkaaliw nang marinig niya ang usapan ng mga among nasa loob ng kwarto't nagpapakasasa sa sarap ng bawat pagkakataong ginagawa. Nang banggitin pa lang ng amo nito ang number three ay awtomatiko niya nang alam na ang librong Kama Sutra ang tinutukoy ng mga ito.
"Malilibog talaga itong si Sir at Mam. Nagseseks na naman." Ngiting asong sambit niya habang pinapakinggan ang awit ng libog at pagnanasa.
Alam ni Arthur na ang number three ay hindi talaga number three pagdatin sa seks. Ang number three kasi ay 69, hindi rin ito ang sagot kapag ima-minus mo ang 6 sa 9. Ang 69 ay isang mainit na kainan. Kumbaga sa bingo, baligtaran ang sinisigaw ng taga-bola. Sa libro ng Kama Sutra, kainan ito sa pagitan ng babae at lalaki. Kainan ng titi at puki. Nalaman iyon ni Arthur dahil ilang ulit na rin niyang nakita ang libro. Wala noon ang mga amo niya nang makita niyang nakatiwangwang ang libro sa sahig. Ilang beses niya pa uling nakita ang nasabing libro. Itinataon niya kasi palaging wala ang mga amo. Alam niya kung anong araw at oras umaalis at bumabalik ang mga ito. Matagal na kasi siyang bantay rito.
Malakas na ungol ng lalaki ang naginghudyat ng katapusan ng pagtatalik na naririnig ni Arthur.
Ang bilis namang matapos ni sir, sa isip – isip pa niya. Pagkatapos noon ay lumabas na ang dalawang amo nito sa kwarto. Suot na muli ang mga damit. Linggo ngayon kaya naman sigurado siyang aalis na naman ito sa bahay na pinangalanan niya nang House no. 34.
Siya si Arthur na may gusto kay Agatha ang muli na namang maiiwan sa House no. 34. Sisilip – silipin niyang muli ang minamahal na si Agatha sa maliit na butas ng gate. Mamahalin niya itong muli pati na rin ang House no. 35 kung saan ito nakatira. Ang totoo niyan ay matagal niya nang minamahal si Agatha. Matagal niya na rin itong sinasamba. Araw – araw sa tuwing sumisilip siya sa maliit na butas ng gate ay hinihiling niya na sana ay pansinin naman siya nito. Iyong kahit tingnan lang siya, katulad ng ginagawa ng mahal na Agatha niya sa iba. Mahal niyang tunay si Agatha at wala nang kahit ano pang paliwanag ang nararapat. At paminsan – minsan iniisip niyang sabay silang umiibig at hindi mapakali, iniisip iyon ni Arthur. Bawat araw at sa bawat gabing hindi niya ito nasisilip sa butas ng gate. Ngunit ang nakakalungkot nga lang, ang katotohanan na ang pagnanasa at pagmamahal pala niyang iyon ang papatay sa minamahal.
Isang mahabang na busina ng motorsiklo ang nagpabalik kay Arthur sa ulirat. Tumigil na siya sa pagsilip sa butas ng gate nang marinig niya ang mahabang busina at pagsigok – sigok ng motorsiklo. Nariyan na ang amo ni Agatha. Hindi niya na naman makikita ang minamahal na si Agatha sa House no. 35 dahil kakailanganin na naman ito ng amo. Isang mahabang busina pa ang pinakawalan ng motor bago niya maalala ang dahilan ng pagkakakilala niya kay Agatha.
"Takbo! May motor sa likuran mo!"
Bago pa man mahagip ang katawan ni Arthur ng motor ay mabilis na siyang nakatalon at nakalayo sa kalsda. Nagpasalamat siya sa tinig na hindi niya pa alam kung kanino nagmumula.Pagkatapos ay hinanap niya iyon at natagpuan niya ang sariling nasa harap na ng House no. 35.
"Salamat sa sigaw mo, ha? Nakaligtas ako dahil sa'yo."
Doon niya natagpuan si Agatha. Ang mahal niyang si Agatha na hindi man lang pinansin ang pagpapasalamat niya. Agad itong lumayo nang makita siya sa harapan ng gate. Ngunit sa kabila noon ay minahal niya pa rin si Agatha. Dahil utang niya rito ang buhay niya.