Illustra - Hetalia

149 8 2
                                    

Aru. Iyon ang pangalan n;ya.

Bagama't naiiba sa lahat ng mamanayan sa rehiyon ng Hetalia ay masasabi pa rin na likas sa kanya ang pagiging matulungin at mabait sa kapwa. Sa kabila ng kawalan ng kahit ano mang tatak sa kaniyang pulso na s'yang sisimbolo sa liping kanyang kinabibilangan o 'di kaya naman ay kahit na wala siyang kakayahan na makita ang mundong kanyang ginagalawan, ay lumaki pa rin s'ya na puno ng pagmamahal at paggalang sa Maylikha.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao ni Aru. Lumaki siya na walang kinikilalang magulang o kahit bahay man lang na tinutuluyan. Pero sa kabila noon ay walang sino man ang nagnais na kumupkop sa kanya. Kung meron man ay sa loob lang ng ilang araw o 'di kaya'y gabi bago muli s'yang ibalik sa gilid ng mga tarangkahan at mga daan na nagsisilbing kanyang permanenteng tahanan.

"Ano ba'ng nangyayari?" tanong ni Aru habang unti-unting napupuno at dumadagsa ang mga mamamayan sa bulwagan ng Konseho kung saan gaganapin ang isang asembliya. Kung para saan ay hindi niya alam. Subalit ang mga taong naroroon, maging ako, lahat kami ay may ideya kung para saan ang asembliyang ito.

Mababakas ang pagkalito sa mukha ni Aru habang tahimik kaming nakaupo sa unahang nhanay ng mga bangko. Marami pa ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi subalit ilag ang ilan na tumabi sa kanya dahil sa pagkadisgusto ng mga ito sa kanya.

Aru...

Gusto ko tawagin ang kanyang pangalan upang sabihin sa kanya na hindi dapat s'ya matakot subalit wala akong sapat na kakayahan para sabihin iyon. Tulad ng kawalan ng kanyang paningin ay ipinagkait din sa akin ang ibang kakayahan at kasama na roon ang kausapin siya.

Inilibot ko ang aking tingin sa Konseho at nakita ang pagkunot ng mga noo at ang pagsalubong ng mga kilay ng mga naririto. Ang ilan ay natutuwang nakatingin sa direksyon namin habang ang iba naman ay tila naaawa. Alinman sa dalawa, hindi ko na alam.

"Wala akong naiintindihan," mahinang bulong ni Aru habang unti-unti ay humigpit ang pagkakahawak n'ya sa'kin.

Naawa ko s'yang tiningnan.

Totoong walang naiintindihan si Aru sa nangyayari. Pero hindi iyon dahil sa lumaki s'yang mangmang at 'di nakapag-aral. Bagkus ay dahil iyon sa walang sino man ang nagnais na ipa-intindi sa kanya ang mga nangyayari sa paligid. Marahil ay iniisip nila na bobo o 'di kaya'y inutil ang batang nasa aking tabi. Maari rin naman ay iniisip nila na napakabata at mura pa ng kanyang isipan para intindihin ang komplikadong pamamaraan nang pag-iisip ng mga matatanda. Marahil ay iyon nga...pero mas malaki ang posibilad ng mas naunang dahilan.

"Ang ating rehiyon, ang Hetalia ang noo'y pinakamasagana sa buong Illustra," ani ng isang lalaki na nakatayo sa gitna ng Kbulwagab. Sa kanyang pulso ay makikita ang marka ng isang krus, ang palatandaan ng isang holy. "Noon ay mayaman tayo sa mga torso na makukuha sa bulubundukin ng Hetal sa Hilaga, gayun na rin sa mga ani nating tanim sa malawak na bukirin sa Silangan o 'di kaya ay mayamang anihan ng perlas sa katubigan sa Timog Kanluran. Ano pa at ngayo'y tila tayo ang pinakamahirap na rehiyon?"

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang mga panahong kung saan maayos at matiwasay pa ang lahat. Dati ay napakasaya ng aming rehiyon. Noon ay masaya kaming nakikipagpalitan ng kalakal sa mga duwende ng Moneres, dumadalo sa mga piging ng mga diyos at diyosa ng Hebreo o 'di kaya nama'y malayang umibig sa mga diwata ng Bella. Kung minsan ay maari pang lumabas ng rehiyon at magliwaliw sa iba pang rehiyon. Subalit nagbago na ang lahat. Wala na ang dating sigla ng Hetalia. Wala na ang palitan ng mga kalakal maging ang paglabas sa rehiyon. Lahat iyon ay unti-unti nang ipinagbawal.

Second Battle: LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon