11. The LAST STAND
Luzvie's POV
Dati rati, napakaingay sa HQ namin. Kahit na may tensyon, nagagawa pa rin naming magtawanan, magkulitan. Nandyan pa rin ang asaran, kahit alam mong anytime mamamatay ka na. Exchanging smiles, and cheering up each other. Pero wala na, ako na lang. Ako na lang ang natira...
Heto ako ngayon, nag-iimpake ng aking mga gamit. Hindi ko maiwasang hindi malungkot ng mapadako ang tingin ko sa mga gamit nila. Parang kahapon lang, excited kaming pumunta rito. Parang kahapon lang, kausap ko pa sila. Parang kahapon lang, kumpleto pa kami. Pero wala na, hanggang sulyap na lang ako sa kahapon. They're now gone. I need to move on, even though it's too hard.
Pero paano ako makakamove-on kung hindi ako sanay na wala sila sa paligid ko? Paano ko magagawang makalimutan sila, kung sila ang dahilan para muli kong maalala ang lahat? Louise. Thalia. Sophie. May you rest in peace, guys. Mahal ko kayo.
Matapos kong mag-impake, isinara ko na ang bag ko at naglakad na palabas. May isa pa pala akong kwartong dadaanan. Ang kwarto ni Judas.
Lintek! Sumagi na naman sa isip ko ang nakakabighani nyang pagmumukha. Kung kailan tuluyan na akong nahulog sa kanya, saka sya mang-iiwan. Kung kailan aminado na ako sa sarili kong gusto ko na sya, saka biglang mawawala. Taena! Tadhana, nananadya ka ba talaga?
I picked up my few things in his room. May naiwan pa kasi akong mga gamit dito nung panahong nag-stay ako sa kwarto niya. Mga mangilan-ngilan kong nga damit, accessories saka 'yung pipitsugin kong cellphone. Papatayin ko na sana 'yung ilaw, nang mapadako ang tingin ko sa side table ng kamang hinigaan ko. Nandun 'yung itim na diary. Hala? Nakalimutan ko na ang tungkol dito? Nakalimutan ko na ang pakay ko? Pero wala na, patay na silang lahat. But the case is still hanging. Ibabaon na lang sa limot ang lahat?
Kinuha ko ito at muling binuklat at binasa. Hindi ko pa naman nagagawang basahin lahat ng nakasulat dahil maraming paktaw at medyo hindi visible ang ilang sulat dahil nga sa kalumaan nito. Isang malaking palaisipan talaga sa akin kung sino ang tunay na salarin. Sa totoo lang, napakagaling nya. Napakagaling nyang maglihim.
I flipped some pages, and have a glance on the written texts. Naghahanap ako ng entry na magbibigay sa akin ng malaking clue tungkol sa katauhan ng killer. Hanggang sa.....
April 27? Wait! Kagabi 'yun ah? It's the latest entry na naisulat. The ink is clearly written on the faded paper, at mariin pa itong isinulat. Sa totoo lang, mangilan-ngilang entries palang talaga ang nababasa ko, at ang ibang wala namang kwentang entry ay hindi ko na binibigyang-pansin. Iniinternalize ko rin kasi ang bawat nakasulat every date. Binasa ko ang bagong entry ng pabulong.....
"Dear Diary. Umaayon ang lahat sa napagdesisyunan. My instinct never fail to disappoint me. Sinasabi ko na nga ba. May kumuha nitong gamit ko. I know you would come, and read this. The heck! Buti na lang, wala ng eepal sa plano ko. Two down and it's only you and me, Luzvie. It's us for the LAST STAND. Be brave. Ciao! Eyeing on you, FATIMA"
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Shit! Nabisto na ako. Nalaman niya ng nasa akin ang diary nya. I feel very uncomfortable sa kwartong ito lalo na't ginimbal ako nung nabasa ko. Nangangatal kong hawak ang diary, hanggang sa mabitawan ko na ito.
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...