3. The GAME'S PROPER
(Kinabukasan...)
Sophie's POV
TIME CHECK : 10:27 AM
Minulat ko ang aking mata. Woah! Panibagong araw na naman na ibinigay sa akin ng Diyos. Panibagong araw para sulitin, coz' life's too short.
Bumangon na ako at nag-inat. Magkakasama kami sa iisang kwarto. Medyo kalakihan naman ito kaya kahit papaano ay nagkasya kami.
Nilapitan ko na ang mga kama nila. Dalawa lang ang kama. Kami ni Thalia ang magkatabi samantalang sina Louise at Luzvie naman sa isa. Malapit kasi sa pinto ang pwesto ko. Ginising ko na si Thalia, sunod si Louise, at huli sa Luzvie. Si Luzvie ang nasa pinakadulo kaya sya ang huli kong gigisingin. Ngunit bago ko pa man magawa ang paggising sa kanya ay may umagaw ng atensyon ko. Isang itim na bagay sa ilalim ng unan nya. Itim na bagay? What could it be? Libro? Wallet? Papel? Frame?
Ang dami kong iniisip na possibilities. Pero pinabayaan ko na lang ang mga katanungang iyon at ginising na siya. Mabilis pa sa alas kwatro'y bumangon na siya.
"Anong balak natin ngayon? Mag-aaudition na ba tayo?" ani Luzvie habang kinukusot ang mata
"Siguro. Sasali ba tayong lahat?" --Ako
"Ikaw, Louise. Sasali ka na?"
"Oo naman." maikli nyang tugon.
Um-oo na rin siya sa wakas. Siguro, nakatulong 'yung pagmumuni-muni nya kagabi.
"Oh sya, ako muna ang maliligo. Mauna na kayong kumain." Naglakad na ako papuntang banyo habang sila'y palabas ng kwarto. May banyo kasi sa dito sa loob. Very convenient, saka gusto ko ng maligo. Nanlalagkit na ko kanina pa.
***
Louise's POV
Sakay-sakay ng kotse ni Trevor, bumiyahe muna kami sa kani-kanilang bahay para kunin ang mga requirements. Sabihin na nating nagsinungaling kami-or should I say sila sa kanilang mga magulang. Remember, ulila na ako. Sinabi nilang may camp daw na maaaring magtagal ng isa or dalawang linggo. Through our help, napapayag naman ang bawat isa. (Ang tanging may alam lang na isang game ang sasalihan namin ay si Ate Martha, yung nanay ni Thalia) Then, tumungo na kami sa address na nabasa namin sa flyer. Hindi naman kami naligaw dahil gala na kami sa Maynila.
Isang linggo na lang pala bago magsimula ang laro. Pero bakit wala itong broadcast sa TV, samantalang napakamahal ng premyo? Hindi ba't kapag ganun e dapat may special advertisement din 'yun kahit commercial lang? Wala ba silang pera para sa media advertisements? Anggulo?
"Goodmorning Ma'am! Welcome.." bati sa amin ng isang staff. Tumango na lang kami bilang tugon. Hindi naman kami bastos para isnabin siya. Manners right?
Pagpasok namin sa loob, kita mo na agad ang amazement sa mga mukha namin. Ang ganda kasi ng receiving area. Ang mamahal ng mga gamit at mga yari---mapa-upuan, mesa at desks, well-furnished. Hindi naman kalayuan sa entrance ang counter para sa pasahan ng mga forms. Hindi naman iyon nagtagal ng sampung minuto. Hindi sila istrikto sa mga requirements, as long as gusto ng mga sasali.
Matapos naming magpasa ng requirements and forms ay nakuha na namin ang mga identification cards namin. Ito daw 'yung magsisilbing motibo na kasali kami sa laro.
"Guys, ihi muna ko. Iwan ko muna kayo" paalam ni Sophie sa amin.
"A-ako din. Sama ako. Ihing-ihi na din ako. Tara!." - Thalia
"Eh paano sila?" tanong ni Sophie, pertaining saming dalawa ni Luzvie.
"Sige. Ayos lang. Dito muna ako. Maglilibot muna. Ikaw Luzvie?"
"Sama na lang ako sayo. Hindi naman ako naiihi." matapos nyang sabihin yun ay umalis na sila. Sumunod naman sakin si Luzvie.
Lumapit kami sa isang bulletin board at tiningnan ang mga nakalagay dito.
'Ito ang mga obstacles? Strange huh?' sabi ng isip ko.
Kung kayo ang nandito, maiisip nyo din ang naisip ko. Paano ko nasabi? May pictures kasi ng mga obstacle courses. Maayos naman ito pero ang title ang kakaiba. I use my common sense kung anong mangyayari sa mga obstacles na 'yun.
Stage 1 : Run Devil Run (may apat na picture na parang open grounds ang setting. Base sa pangalan, tatakbo kami at may iba't-ibang obstacles: barrels, barb wires, wire and nylon nets...basta marami. Baka may hahabol samin at kapag nahuli kami, we're out of the game, I guess?)
Stage 2 : Threadmill Surprise (simple lang naman 'yun. Parang kailangan mo lang makasurvive sa threadmill at pilitin mong huwag mahulog. Masyado namang madali kung tutuusin.)
Stage 3 : Haunt (may picture dun ng isang malaking mansyon, may picture din ng pasilyo, kwarto...basta, 'yung features nung mansyon. E ano naman kayang gagawin namin dun? I don't have an idea.)
Stage 4 : Wheel of Misfortune (may malaking roleta na maraming nakalagay na category with different colors na medyo blur kaya hindi ko maidentitfy. Gagawin mo lang ang napatapat na category, that's all.)
Last Stage : The Last Stand (walang picture na nakalagay, kaya walang nabuong ideya sa isip ko. Baka 'yun na 'yung jackpot round?)
Hindi ba't kakaiba ang mga title? Na para bang.....mapanganib? Ayy! Basta!
Umupo na lang muli ako sa bench at naghintay sa dalawa habang si Luzvie ay patuloy sa pag-usisa sa mga bagay-bagay. Hanggang sa umabot ng limang minuto ang paghihintay namin. Ang tagal naman ata nila. Kanina pa sila.
Kaya napagdesisyunan kong puntahan na sila. Hindi naman ganoong kalayo ang C.R. kaya madali ko itong napuntahan. Bubuksan ko na sana ito pero napatigil ako ng marinig ko ang pag-uusap nila.
"Nakita ko 'yun kagabi. Hindi ko nga lang nagawang kunin."
"Siguro may itinatago sya sa atin"
Sino bang pinag-uusapan nila?
"Oo nga. Minsan nga, hindi ko sya magets e. Hayy Ewan!"
"Tara na nga, baka hinahanap na tayo.."
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Misterio / Suspenso| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...