2. Knowing the GAME
Louise' POV
Agad kong nilapitan ang poster at pinasadahan ito ng aking mga mata.
THE GAME is ON
Handa ka bang manalo ng 7million pesos?
Handa ka bang tanggapin ito ng walang kahirap-hirap?
Maglalaro ka lang and voila, may pera ka na.
Mag-sign up ka lang sa amin.
At Pumunta lang sa address na nakalagay sa baba.
And the requirements are easy..
1. Birth Certificate c:
2. You must be 18 years old and above.
3. You must be slim fit. (Kung hindi, pwede kayong makiusap sa amin if you're willing talaga na makapasok sa aming game)
4. You must have enough strength to face every challenges, and expect what you won't expect.
And wala ka nang iba pang dadalhin kundi sarili mo. Wala ka na ring babayaran pang fees and such things. Mahigpit ang security, kaya kung ayaw nyong magtagal, don't bring sharp or deadly weapons. Kami na ang magpoprovide nun para sa inyo Ü
Kung handa kang sumali, just call us : (05) 450-6667
The Game starts at April **, 20**. Hurry up, until there are slots left.
See you there.
"If you don't know, no need to comprehend beyond that. For you will get involved..."
~Zest Rain Ruine
Parang may kung ano sa akin na gustong sumali sa larong ito. Feeling ko may bumubulong sa akin na 'sumali ka! sayang 'yan'. Para kasing interesting and...fun?
"Sali tayo?" Ani Luzvie. Exxagerated man kung idedescribe ko pero nagisparkle ang mga mata nyang nakatingin sa flyer.
"Oo nga. 7M din yun." Pagsangayon ni Sophie.
"Paano naman ako? Hello? I'm not slim fit?" Sabi ni Thalia, sabay tingin sa sarili.
"Ayos lang yan. Diba sinabi naman, pwedeng ipilit kung gusto talaga. Pakiusapan na lang natin.." Luzvie answered.
"Saka, don't you think na magiging bonding na rin natin 'to. Like, we'll have our own lives now. Magkakalayo na tayo. Gawin natin na last activity 'to together. I declare, it'll be fun." Oo nga. May point si Sophie.
"Hindi ba parang... Ayy! Bahala na nga. Sasali na din ako. Ikaw ba, Louise? Sasali kadin?" Naguguluhang wika ni Thalia.
Nakatitig pa rin ako dun sa flyers. Interesting nga siyang salihan, mataas ang premyo, para na rin 'yang worthwhile activity sa bakasyon pero....
"LOUISE!"
"Ay, patay! Ano ba? Wag mo nga kong ginugulat!" Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil nagulat talaga ako.
"E ikaw kasi eh. Tinatanong ka namin kung sasali ka, nakatunganga ka lang dyan." Nakakunot-noo pa si Thalia habang sinasabi 'yan.
"Ah-eh.. Pag-iisipan ko pa."
"Pag-iisipan pa? Bahala ka! Basta sasali kami.."
Ilang lakad pa ang ginawa namin hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Thalia. Agad silang dumiretso sa kusina dahil gutom na daw sila habang ako ay nagpalit muna ng damit. Gusto ko munang magpahinga. Parang may may gumugulo sa isip ko.
Pagkapalit ng damit ay isinalampak ko na agad ang aking sarili sa malambot na kama. Bigla namang bumukas ang pinto. "Oh, ba't mag-isa ka lang dito? Ayaw mo bang lumabas at sumama sa mga kaibigan mo?" sa boses palang ng nagsalita, alam ko ng nanay ni Thalia 'yun.
"Hindi naman po. Napagod lang po siguro ako sa graduation kanina.." tugon ko sa ina ni Thalia. Agad akong bumangon at umupo sa edge ng kama. Ambastos ko naman kung kakausapin ko siya ng nakahiga ako sa kama't nakatingin lang sa kisame.
"Baka naman may gumugulo lang sa isip mo? Naku! Tungkol sa boyfriend mo 'yan no? Wag muna kayong magsyota-syota. Panggulo lang 'yan! Gayahin mo ako, magtetrenta na nag-asawa.." natawa na lang ako at napailing sa mga sinabi nya. Ako? Magboboyfriend? Wow! Big word!
"Oh sya! Labas na ako. Nagugulo ko na ata ang pagmumuni-muni mo. Hahaha!" tumatawang sabi nya sabay sarado ng pinto.
***
Thalia's POV
Busog na naman ako! Kakakain lang naming tatlo. Hindi namin nakasabay si Louise. Agad na namang sumagi sa isip ko ang tungkol sa babaeng 'yun. Nahihiwagahan talaga ako sa kanya. Kung misteryosa si Luzvie, mas misteryosa siya. Parang ang daming nililihim sa amin e. Oo nga't tahimik na palangiti na masayahin siya. Pero, there's something unusual.
"Hoy! Alam ko 'yang iniisip mo!" napalundag ako sa gulat ng bigla akong kausapin ni Luzvie.
"H-ha? Anong sabi mo?"
"Alam ko na iniisip mo si Louise. Alam kong nararamdaman mo din na parang kakaiba sya. Tama ba ako?"
Tsk! Kaya ayokong tabihan 'tong si Luzvie e. Magaling makaramdam.
"Oy! 'Di naman ako magaling makaramdam. Halata lang sayo.." dagdag pa nya.
May pagkamind-reader din. Ano ba yan?
"Oo na! Iniisip ko nga sya. Ikaw, nahihiwagaan ka rin ba sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Sabihin na nating, minsan oo. Minsan hindi.."
"Ha? A-ang gulo? Anong minsan oo, minsan hindi?"
"Minsan kasi, mahirap siyang basahin. Di mo ba napapansin. 'Yung mga ngiti nya, parang may itinatagong lihim. Na para bang may nakara--" hindi na naituloy pa ni Luzvie ang sasabihin nya dahil nakita nyang papalapit sa amin si Louise.
"Anong meron? May pagkain pa ba?" Nakangiti nyang sabi samin.
"P-punta ka na lang sa kusina. Nandun si Sophie, nagliligpit." Ewan ko ba kung bakit ako nauutal. Nakakakilabot kasi ang titig at saka 'yung ngiti nya.
Umalis siya ng walang sabi-sabi. Nagkatinginan na lang kami ni Luzvie at saka nagkibit-balikat.
Sa tagal naming magkakaibigan, siya lang 'tong namumukod-tanging walang naibabahaging sikreto. Parang may itinatago siya. Parang ang dami nyang sikreto? E ano nga bang mga lihim nya? Ano bang mga tinatago nya? Sh*t! She's creeping me out.
Paano nga ba kami naging magkakaibigan? Ah, natandaan ko na. Dahil sa team building namin sa Psych Assembly nung second year. Kami kasi ang napag-iwanan. Walang mga grupo ang kumukuha sa amin. Una, dahil sakin, masyado akong mataba para maipanalo ang mga laro kung sakali. Paniguradong talo na, given na ang mga sports ay nangangailangan ng endurance, speed and strength. Pangalawa, kay Luzvie, napakamisteryosa kahit na maingay. Bigla kasi siyang nagtatransform. Ay, ewan. Hindi nila kursunada 'yung ganun. Pangatlo, kay Sophie. Naaartehan sila sa kanya. Purkit ba kikay pumorma at magsalita e maarte at may attitude agad? Letse! At huli, kay Louise. Hindi daw nila magets ang behaviour nito kahit iapply ang pinag-aralan sa Psych. Masyado silang judgmental. Pero oo nga, kailangan din pala maging judgmental ka. Kasi sa pagiging judgmental ka nakakabuo ng impression sa isang tao, na may possibility na tumama ka o mamali ka. Siguro nga, kulang kami sa getting-to-know-each-other stage. Basta na lang kami naging close dahil lang sa wala kaming ibang makasama kundi kami lang. Be, hindi ko pa sila masydong kilala, given the 4-year friendship. *sigh* Hindi ko mapigilang manghusga. Hirap din palang maging matalino. Tss.
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Mistério / Suspense| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...