12.The DOUBLE ENCOUNTER

2.5K 62 9
                                    

12. The DOUBLE ENCOUNTER

Luzvie's POV

Kasalukuyan ko siyang pinlag-aaralan ng biglang mag-iba ang timpla ng mukha niya.

"What's with that face, Luzvie? Hindi ka makapaniwala?" She said in disgust. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Paano nangyari? This is insane. Sh*t! I didn't and never expect this.

"S-sophie, d-di-diba..." nauutal kong sabi na agad nya namang pinutol.

"Tss. Masyado naman kayo. Hindi purkit nahulog na ako doon sa threadmill e ibig sabihin, patay na ako. Hindi nyo lang alam na kasabwat ako sa larong ito. May hidden chamber sa baba kaya nung sandaling sinadya kong ma-out of balance, dun ako bumagsak. Teka nga, ba't ba ako nag-eexplain sayo." Sabi niya ng may mapanusong ngiti - far from the usual Sophie na sweet and innocent. "At saka, hindi ba kayo nagtaka? Palibhasa, mga tanga naman talaga kayo. Athlete ako right? Pero lalampa-lampa ako nung first at second game. Somehow.....acting *laughs*."

Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Nakakakaba! Idagdag pa na hirap ako sa pagkapit dito sa edge ng hagdan. Tss. Oo nga pala, tri-athlete nga pala ang bruha. Ba't di sumagi sa isip ko 'yun?

"E-edi ikaw pala ang pumapatay? I-ikaw ang k-killer?" nagtataka kong tanong. Shet! Di ko mapigilang hindi mautal..

"E paano kung ako nga? Anong gagawin mo? Tatakbo? Hihingi ng tulong? Oops! You're helpless. Nakakaawa ka naman." Matapos nyang sabihin iyon ay hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. Itinuring ko siyang kaibigan, pero hindi ko alam na pinepeke niya lang pala ako. Pinagkatiwalaan ko siya, pero isa pala siyang malaking traydor.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin paitaas. Ang buong akala ko ay itutulak niya na ako sa butas na iyon. Ano na naman kayang binabalak ng hayop na ito?

Tinignan ko siya ng direkta sa mata. I can't even recognize what her plans are just by looking directly at her eyes, pero isa lang ang nasisiguro ko; may binabalak siyang masama at iyon ay ang patayin ako. "Oh? Bakit mo ako iniangat? Bakit ayaw mo pa akong patayin?! Hindi ba't yun rin naman ang gagawin mo? Ba't di mo pa ako itulak?!" Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para magtaas ng boses; para magtapang ng ganun. Dahil narin siguro sa pinaghalong takot at kaba. Ikaw ba naman ang mapunta sa sitwasyong ko.

Halata sa mukha niya na nainis siya. Mabilis niyang pinatama ang palad niya sa pisngi ko. Malakas ang pagkakasampal niya sa akin, at pakiramdam ko'y namumula na ito. Napahilig pa ang ulo ko sa kanan na naging dahilan para mapadako ang tingin ko sa hallway ng second floor. Ginapangan ako ng takot nang may maaninag akong tao. Medyo may kalayuan siya sa pwesto ko dahil nasa dulong bahagi siya, pero nasisiguro kong nakaitim siya. Anong ginagawa nya dun? Sino siya? At bakit nakatigil lang siya sa isang sulok habang hawak ang......switch ng kuryente?

"At wala kang utang na loob? Pakshet ka ha!" Iritadong saad ni Sophie at pakiramdam ko'y nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sakin. "Hoy! Kinakausap pa kita kaya sakin k--" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil bigla na namang nilamon ng kadiliman ang paligid.

Naging hudyat ang pagdilim ng paligid para sa pagtakbo ko. Siguro'y tinulungan ako nung taong nakaitim para makalayo kay Sophie dahil nanggagalaiti na itong patayin ako. Tinahak ko ang hagdan paitaas. Madapa-dapa pa ako dahil nga sa hindi ko makita ang mga baitang ng hagdan. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril. Siyam na putok ng baril.

***

Third Person's POV

Nagwawala na ang puso ni Luzvie dahil sa kaba. Akala niya'y matatamaan siya ng mga bala ng baril. Mantakin mong siyam na putok. Napakarami naman nun. Isang putok nga lang e makakapatay na, siyam pa kaya.

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon