EPILOGUE
Luzvie's POV
"Luzvie..." may tumatawag sa pangalan ko. Na parang boses ni... J-judas?
Hala? Patay na yata ako! Shet! Ang dilim dito..
"Luzvie, gising na..."
Gising na? Huh? Buhay pa ko?
Iminulat ko na ang aking mga mata, at una ko agad nakita ang lalaking may nakapintang nakakalokong ngiti. Putek! Bakit ako namumula?
Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. Awkward kasi e. At ayun, nasa bus pala kami.
"S-san tayo papunta? San mo ko dadalhin? How about the prize? Tapos na ba ang laro? Bak---"
Nilagay nya ang hintuturo niya sa ibabaw ng labi ko, dahilan para tumahimik ako. "Andami mong tanong. Isa-isa lang." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa laro. Tumakas lang tayo Luzvie. Itinakas lang kita. Ayoko ng magtago pa at panuorin kang nahihirapan. Oo, narito ako. Buhay pa. Akala mo siguro patay na ako, tama ba?" Marahan akong tumango. "Pwes, hindi maaari 'yon. Hindi ko kayang iwan ang taong mahalaga sa akin." Di ko alam kung sino 'yung sinasabi niya, pero di ko rin alam kung bakit ako namumula.
"The prize? Do you really want to go back there just for that money kapalit ng buhay mo? Don't you think that the prize here is your life? Our lives. Despite all of the dangers and deadly situations, we managed to stay alive. Tayo lang dalawa. Kahit na ang iba pa nating kapwa manlalaro ay nangamatay at hindi na nagawa pang mabuhay. Kaya magpasalamat tayo sa premyonh iyon." Napatango ulit ako sa sinabi nya. He has a point. No matter how big your money is, hindi nun kayang tumbasan ang value ng buhay. Life is priceless. And it's a very very rare blessing given by God. Kahit na ang mga inosente na nadamay sa laro ay namatay, I think it is destined to happen, for everything that happens is according to his plan. Ang gagawin na lang natin ay pumili sa mga choices na inilatag Niya para sa atin. Likewise, Louise's choice is to kill people; to slay inoccents.
Well, may counterpart naman lahat ng ginagawa natin; may kabayaran. And I think, napagbayaran na nya lahat ng mga 'yun ngayon.
"At san kita dadalhin? Dito.." sabi nya sabay turo sa puso nya. "Sa puso ko!"
Nahampas ko tuloy siya ng wala sa oras. Tae naman! Hindi ito ang oras para biruin nya ako. Seryoso ako..
"Tae ka! Wag mo nga kong pinaglololoko.."
"Hindi naman ako nagbibiro e. Totoo ito. Ewan ko ba kung kailan ko lang ito narealize. Nung mapahiwalay kasi ako sayo, parang kulang na ang buhay ko. Alam kong kulang ang ilang araw nating pagsasama para magkakilala tayo. Pero, sa ilang araw na iyon..." huminga siya ng malalim. "Gusto na kita.. Tatanggapin mo ba ako sa puso mo?"
Naiyak ako nung sandaling iyon. Putek naman kasi, ang cheesy e. Wala na kong sinayang na pagkakataon at nagtapat na rin sa kanya..
"Oo, tanggap kita. Maging sino ka man. Maging ano ka pa man. Ang alam ko lang, mahalaga ka sa buhay mo.." Bulong nito sa akin. "And I will love you, Unconditionally...."
***
Someone's POV
Natapos na rin ang problema ng mga protagonist sa kwento. Wala na ang killer na nais silang ubusin, at ang laro... natapos na rin.
Ang itim na libro, ayun, sinunog na ng dalawa. Ayaw na daw nilang balikan ang bangungot na muntik na nilang ikamatay. Gusto na daw nilang manahimik at magsimula ng bagong buhay.
Si Ernestina, ayun, bukas na ang huli nyang araw sa mundo. Bukas nya na isosold-out ang kaluluwa nya sa mga demonyo. E ang loka, nagpakamatay ilang oras lang ang nakalilipas. Sinunog nya ang sarili nya, katulad ng dapat mangyari sa kanya noon. Sino nga ba namang gustong magbenta ng kaluluwa nya sa mga demonyo? Mas makatarungan pa ang pagpapakamatay sa sarili. At may iniwan pang note..
"Sa kung sino mang makakabasa:
Wala talagang naidudulot na maganda ang PAGHIHIGANTI. Akala mo'y ito ang daan para maging patas. Akala mo'y ito ang tamang gawi. Puwes, nagkakamali kayo. Ako na ang nagsasabi sa inyo. Ako ang living proof. Ay, mamamatay na nga pala ako, kaya ako na lang ang proof nyo. XD Nagawa ko pang magbiro sa kalagayan kong ito.
Paalam na sa napakapayapang mundo, hanggang sa muli nating pagkikita.
P.S. Wag nyo kong gagayahin. Pawang mga propesyonal lang ang nakakagawa nito.
---Zest Rain Ruine"
At ang huli, ang dalawa nating bida. Getting to know each other na ang peg. Ganun talaga, the feeling's mutual e.
Kaya ayun, dito na siguro magtatapos ang kwentong ito. Hanggang sa muli, ay hindi pala dapat ganun. Basta PAALAM!
*THE END*
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...