18. The GAME is FINALLY OVER
Louise's POV
Naalimpungatan ako. Pakiramdam ko'y may nanunuod sa akin kanina pa. Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa aking harapan ang isang nakangiting babae. Hala? Si Ernestina? Nananaginip ba ako? Diba napatay ko na siya?
Dun rumehistro sa isip ko na nagkatagpo nga pala kami kanina. Ang bilis ko naman 'yatang makalimot ngayon.
Pilit kong iginagalaw ang aking kamay at paa, nang madiskubre kong nakatali pala ako sa isang metallic post at pinalilibutan ako ng maraming tali. Ugh! Medyo nahihirapan akong huminga sa sikip ng pagkakatali sa may bandang katawan ko.
"Sleeping Beauty, napahaba ata ang tulog mo?" Itinuon kong muli ang tingin sa kanya. Nakangisi siya habang nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba. Kakairita!
"Tss. Ang tapang mo ha! Palibhasa nakatali lang ako dito.."
"Kahit pa hindi ka nakatali diyan, kayang-kaya kita.."
"Sige nga, pakawalan mo ko!" maawtoridad ko sabi.
"Ano ako? Tanga?! Bakit naman kita pakakawalan, edi sayang lang lahat ng plinano ko. Eto na, nakahanda ng lahat." Tinuro niya pa 'yung mesang punung-puno ng mga gamit.
Bigla akong nagwala. Pilit kong kinakalag ang tali, ngunit napakahigpit talaga nito. Wala na akong ginawa kundi magsisigaw.
"AHHHHH! AAHH--" napatigil ako sa pagsigaw ng pasukan niya ang bunganga ko ng nilamukos na papel. Tinadyakan niya pa ako sa sikmura kaya naibuga ko rin yung papel sa bibig ko.
"P*TA! ANG INGAY MO! Para kang kinakatay na baboy!"
Naglakad siya pabalik sa stool at umupo uli rito.
"Pero, bago ko gawin ang pagpatay sa'yo, may itatanong lang muna ako sa'yo.." huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Diba ikaw ang pumatay sa ate mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Tsk! Anong klaseng tanong 'yun? Ba't ko naman siya papatayin, e mahal na mahal ko iyon, at mahal na mahal din nya ako. Hinding-hindi ko magagawa 'yun.
"HINDI NGA SABI E! ANG KULIT MO! ANG KUKULIT NYOO!" naglabasan ang mga ugat ko sa leeg habang isinisigaw ko iyon.
"E sino iyong batang nakita namin? Na naglagpak ng bato dun sa kaawa-awang babae. Hindi ba ikaw iyon?" tumigil siya. "Oh baka naman si Fatima?"
Nanlaki ang aking mga mata nung narinig ko iyon. Nagbagsak ng bato? Ano 'yun? H-hindi! Hindi totoo iyon!
"SINUNGALING! HINDI MAGAGAWA NI F-FATIMA IYON SA AKIN.."
"Kung hindi man, bakit hindi mo itanong?"
Iginala ko ang tingin ko at nakita ko siya.. si Fatima. Nakaupo sa kama ng Ate. Nakatungo ito.
"F-Fatima.. Totoo ba iyon? Ikaw ba talaga ang gumawa nun?" Hindi kumikibo si Fatima at nakatungo lang. "SUMAGOT KA, FATIMA!"
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Mystère / Thriller| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...