9. Your CLEVERNESS is NOT ENOUGH
Luzvie's POV
Napasinghal si Thalia at nanlaki ang mga mata. Hindi nya siguro ineexpect na siya na ang susunod. Bakas sa kanyang mukha ang kaba at takot. Sino ba namang hindi matatakot kung anytime, mamatay ka na?
"Uhm, pakibilisan na lang po. Maraming pang susunod." bulyaw nung speaker sa harap, at nagawa pang tumawa sa gitna ng katahimikan ng venue.
Dahan-dahang naglakad papunta sa unahan si Thalia. Umakyat siya ng stage ng nakatungo. Tanging ang footsteps ni Thalia sa unahan at ang himig ng simoy ng hangin lang ang naririnig. Lahat kami'y kinakabahan.
Nanginginig nyang hinawakan ang roleta at saka inikot.
Tumapat ito sa kategoryang "Answers". Bigla akong napangiti. Alam kong ngumingiti na rin si Thalia dahil malaki ang posibilidad na malampasan nya ito. Obvious naman kasi. Q&A type iyon, swear. Si Thalia pa! E ipinanganak 'yan sa library.
"I'll be giving you FOUR Questions. Each question has a 3 second-limit. If you're lucky enough to answer all the questions, then you'll advance to the last stage... If not, bye-bye cruel world.."
Pinaupo na si Thalia sa may upuan---isang plain metal chair. Itinali ang dalawang braso nya sa magkabilang arm nito, pati na rin ang dalawa nyang binti. Talagang wala na syang takas..
"First Question..." saad ng lalaking emcee. Pasuspense pa talaga siya sa pagsabi ng question. Pampakaba, kumbaga.
"What is the highest mountain on Earth, excluding the note 'above sea level'?"
Hala! Ano ba? Mt. Everest? Mt. Apo? Tae! Sana 'pag ako na, di ako mapatapat dyan. Given ng tanga ako at tamad makinig sa prof.
"Mauna Kea!" kampanteng sagot ni Thalia.
"Good! Let's proceed to the second..."
"What's the fourth hardest stone?" Pati ba naman bato, kailangan pang itanong? Why so random?
"Quartz!" singhal ni Thalia. Nakakamangha talaga siya. Tiyak, makakasurvive siya dyan.
"Superb huh! Third...."
"If CO2 is Carbon Dioxide and H2O is water, what is for Ammonia?" Nadawit na rin ang chemistry sa mga tanong. Though, kakayanin parin yan ni Thalia.
"NH4OH!" Shet! Anggaling talaga.
"Outstanding." Di ko napigilang mapahiyaw. Isa na lang, makakalaligtas na siya. Isang tanong na lang. Isang tamang sagot na lang.
"Fourth, it is a dizzy/confused state of mind..."
Bigla kumunot ang noo nya. Wag mong sabihing hindi nya alam? F*ck! The queston's not clear and not that elaborated. Maraming pwedeng sagot.
"V-vertigo?" nag-aalangan nyang sagot.
"That's right!"
Napapalakpak ako sa tuwa nung marinig ko 'yun. Yey! Nakaligtas siya! Nakalampas sya sa fourth question. Nakalampas sya sa fourth challenge..
Kita ko sa mukha ni Thalia ang relief. Great! Last stage na lang. Kakayanin pa namin 'to.
"S-so, pwede na po akong umalis. Pwede na pong tanggalin itong mga strap?" tanong ni Thalia. Aba! Oo nga. Tapos na diba? Ba't di pa rin siya pinapalaya..
"Who says it's the last question huh?"
"D-diba last q-question na 'yun. I mean four questions lang naman. Nakaka-four right answers na ko!"
"Four questions nga lang ang sinabi ko, but it doesn't mean na bawal na akong magdagdag ng tanong diba? Thus, I didn't say na FOUR QUESTION ONLY. Besides, isa lang naman 'to.." nakangiti nyang sabi na animo'y galak na galak.
"P-pero.."
Bigla namang pinindot nung lalaki 'yung parang remote control, na syang dahilan para mangisay at manginig si Thalia. Hindi naman ganung nakamamatay dahil hindi naman ganun kalakas ang voltage. Pero kahit na, napaka-unfair!
"Aangal ka pa? 'Wag mong sabihing kaya mo na kaming pataubin dito. Tandaan mo, nasa ilalim kayo ng kamay namin.." sabi nya. "Correction, nasa ilalim ng kamay niya. Alagad nya lang kami at sunud-sunuran. Disobeying rules lead to instant death. Want it?" Mahinang iling lang ang ginawa nya bilang pagtugon sa tanong ng emcee.
Ah ganun? Alagad niya lang ang mga ito? Sinong siya? Sino ba siya? Sino 'yung pinakamataas sa kanila? Siya ba ang nagpasimula ng larong ito? P*ta!
"Okay, here it goes!"
"Riddle. Riddle.. I'm the reason. I'm also the effect. A 7 letter word. Root of vengeance and killing. Either a big, or a small sin, I'm applicable. What am I?"
Napasinghal ako. Tae! Napatapat pa sa kanya ang kahinaan nya. Riddles?!
Tandang-tanda ko.. Lagi nyang sinasabi sa amin na ayaw na ayaw nya ang mga bugtong. Na kay lalayo daw ng sagot sa tanong. Na hindi nya daw ito magets dahil pang bata lang daw ito. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa naitanong ang mga p*nyetang mga bugtong na yan?
"A-a-ahhmm.."
"Three..
Two..
One.." Sumagot ka. Thalia, please! Don't give up!
"A-ehh!"
"Time's Up! Say Goodbye!" tuwang-tuwang wika nung speaker. Napapikit agad ako matapos kong marinig ang winika nang speaker.
May narinig akong tumutunog na makina, at saka biglang napairit ang ilan sa amin. Hindi ko nagawang tingnan ang nangyari kay Thalia, ang sakit kaya na makita mo ang kaibigan mong nagaagaw-buhay, and right away e madadatnan mong patay na.
Base sa narinig ko'y bigla na lang daw may lumabas na malaking barena sa tiyan nya, na naging dahilan para bumulwak ang lamang-loob nya. Malaki ang barena, kaya nagawa nitong mabutas ang buong tiyan ni Thalia. Hindi pa daw doon natapos iyon.. May lumabas daw na tatlong matatalas na metal sa ulo niya. Sakto ang dalawa sa kanyang mga mata at ang isa naman ay sa kanyang bibig. P*ta! Ano bang nagawa namin sa kanila't ginaganito nila kami. Ako na lang tuloy ang natitira. Ako na lang sa aming apat.
Lumipas ang ilang oras at sumalang na ang ibang kasali sa laro. Sari-sari ang napapatapat sa kanila, ngunit lutang na lutang ako. Balewala sa akin ang nangyayari sa harap. Hindi ako umiiyak nung mga sandaling iyon. Dahil siguro sa sobrang bigat at sakit ng mga nangyari ay hindi na kinaya ng damdamin ko't pinili na lang na balewalain at manahimik. Patong-patong na ang stress na natanggap ko. I feel like a hanged-up computer. My system is in malfunction.
"And for the last contender.... Ms. Luzviminda Talactac.."
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Misterio / Suspenso| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...