7. They'll HAUNT You DOWN in the THIRD GAME

2.7K 65 0
                                    

7. They'll HAUNT You DOWN in the THIRD GAME


Luzvie's POV

Nandito ako sa kwarto ng isang kaibigang kanina ko lang nakilala. Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwalaan ko agad siya higit pa sa mga kaibigan ko. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba!


"O? Nandito ka na naman? Anong kailangan mo? Mag-oopen ka na naman?" Nakangiti nyang sabi habang kinukuskos ang ulo ng tuwalya. Kakagaling nya lang kasi sa banyo.

"Pwede bang dito muna ako? Ayoko pa munang sumama sa kanila.."

"Dahil na naman sa paghihinala mo? Bahala ka. Diba sabi nga, make your enemies closer to you, kahit na hindi ka siguro kung isa ba siya sa mga kaibigan mo." sabi niya. "Besides, nandito ka na rin naman. Makakatanggi pa ba ako? Saka wala na rin akong kasama sa kwartong ito, kaya salamat dahil sinamahan mo ako."

Napaisip ako sa sinabi nya. Dun sa sinabi niyang 'make your enemies closer to you.' May punto siya. Mas mabilis kong malalaman ang katotohanan kung malapit ako sa kanila. At saka, mas madali na ngayon. 2 na lang silang pinaghihinalaan ko.


Pero may mali din. Paano kung sa sobrang lapit ko naman ay mas madali akong mapatay? At hindi rin sigurado kung isa nga sa kanila.

"O sya! Dito ka na rin magstay at matulog. Gusto ko rin naman ng makakausap.."


Inabot kami ng gabi sa kakakwentuhan. Ang sarap nya talagang kasama. Hindi ko maitatangging medyo nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag 'yung feeling na pag kasama ko sya, kontento na ako..


*krrriiiiiiingggg*

Nagising ako sa malakas na ingay na mula sa speaker. Nakaidlip pala ako. At nasa kwarto na din ako. Ang pagkakaalam ko, nasa sala kami kagabi. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapagtanto kong binuhat nya ako papunta sa kwarto.


"O? Ngiti ka dyan? Kain na muna daw tayo para may energy tayo sa pangatlong laro.." -- Siya


Nawala ang ngiti ko nung marinig ko 'yung sinabi nya. Third game? Hindi ko maiwasang mapaisip na baka ngayon o sa susunod pang game, ma-game over na ako. Hindi pa ako handang harapin ang aking kamatayan..


Wala pang araw nung lumabas kami ng HQ kasama si....ano nga bang pangalan niya. Ano ba naman 'yan. Hindi ko man lang naitanong. Nakakahiya naman tanungin ngayon. Tsk! Hindi pa kasi tinanong kahapon e.


Nadaanan ko ang kwarto nina Thalia. Medyo may siwang yung pinto kaya nakita kong naghagalikwat ng bag si Louise. Iritable ang mukha nya at parang inis na inis dahil halos sirain nya na yung bag nya, mahanap lang yung dapat hanapin. Napadako ang tingin nya sa labas kaya nakita nya ako. Binalik nya ang tingin nya sa bag nya at dinampot yung eyeliner. Tss! Yun lang pala yung hinahanap e.


Sinimulan uli naming maglakad papunta sa canteen para kumain.
"*♪Never was and never will be
How did you ever betrayed me
Cause somehow you've got
Everybody Fooled♪*" bigla namang napakanta ang lalaking katabi ko. Nakisabay na lang din ako sa kanta dahil alam ko naman ang kantang iyon ng Evanescence.

***

Nandito na kami sa isang abandonadong mansyon at dito daw gaganapin ang third game ng laro. Kung hindi ako nagkakamali, Haunt ang title nito. Nabasa ko kasi dun sa board malapit sa HQ namin. Anong gagawin namin? Maghahanap ng nawawalang gamit? Mananakot? Ano?

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon