15. The DEMOISELLE in TRAVAIL

2.3K 50 0
                                    

15. The DEMOISELLE in TRAVAIL

Louise's POV

Siguro, bwisit na bwisit na kayo sakin. Inis na inis kasi ako at ako na lang ang killer? Well, ako at sakin lang umiikot ang istoryang ito. San ka pa aasa? Tss. Ayan, nagagaya na ko sa pagiging bitchy ni Fatima. Tsk!

Oo, akin 'yung black diary, or should I say samin pala ni Fatima. Sinasabi niya sa akin ang mga saloobin niya, ako naman ang taga-sulat sa diary. Napaka talaga e. Mantakin mong nawala pala sa isip ko 'yun. Masyado na kong nagiging careless. Isa pa naman iyon sa malaking clue na magpapalabas na ako ang nasa likod ng lahat ng pagpatay. At baka mamaya, mapurnada na naman ang mga plano ko. Lintik na 'yan! Lalaban talaga ako.

Well, ako din 'yung babae sa may balcony. 'Yung sumabunot kay Luzvie while in the third game. Kung hindi sa tulong ni Fatima e hindi ko magagawa 'yun. Naghehesitate pa nga kong gawin 'yun kasi baka mahalata ako e, pero laking pasasalamat ko dahil madilim. I must be thankful to her. Siya na lang 'tong laging nandyan sa akin. E kaso, masyadong malakas ang bruha, ayun, nabangasan tuloy ako. Nahulog pa. Buti na lang at nakakapit ako sa mga sanga ng puno. Tapos, ako din 'yung nasa may bodega. Diba sinabi ko naman sa inyo, ako lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot ng mansyon. Ha! I'm so great.

Nakangisi akong naglalakad paalis doon---paalis sa lugar kung saan huli ko-or should I say namin nasilayan si Luzvie. Ang galing talaga ni Fatima. She's so brave and vicious and courageous and....what more? Kaya pala nawawala 'yung diary ko, nasa kanya pala. She deserves that!

"May pinagsisisihan ka ba sa mga ginawa mo? We can start a new life kung sawa ka ng manira ng mga buhay?" Tanong nya sa akin, ni Fatima.

"Wala! Pero nagiguilty ako ng konti.." tugon ko naman.

"E ano naman ba 'yang ikinagiguilty mo?"

"Itinuring kasi nila akong kaibigan. Isang tunay na kaibigan.. Minsan ko lang maramdaman na espesyal ako sa isang tao. Tulad ng pinaramdam sa akin ni Ate Demi..."

"But you have me. Hindi pa ba sapat na nandito ako?" Naramdaman ko na lang ang mga braso ni Fatima na nakayapos sa akin. *sigh* Nakasanayan ko na ang ganito. Kakausapin si Fatima, na madalas ay ipinagtataka ng mga taong minsang nakakakita sa aking kinakausap ko siya. Basta, siya si Fatima.

Kilala nyo na ba si Fatima? Ipinagtataka nyo ba kung bakit at paano sya nabuo? Well, here's how.

F L A S H B A C K (9 years ago..)

Nanginginig akong napaupo sa sulok. Pilit kong tinatakpan ang aking katawan, na kanina'y nilapastangan ng aking ama. Oo, nirape ako ng ama ko. Akala ko pa naman nung una, tanggap nya ako. Akala ko, tunay syang mabait sa akin. 'Yun pala, may pakay sya sa akin...

Nagsimula ng umagos ang nagbabadya kong mga luha. Mas mabuti pa palang namuhay ako sa isang simpleng pamilya, na kahit naghihirap kayo, nakukuha nyo pa ring tumawa at maging masaya. Kesa naman sa ganitong magarbo nga, iba naman ang turing nila sa'yo..

"Oh iiyak-iyak ka dyan? Napakahina mo naman. Tumayo ka nga dyan! May round two pa tayo.."

Mahigpit nya akong hinawakan sa aking braso at pilit na pinatatayo. Hindi na ako nakapalag pa dahil sadyang mas malakas siya kaysa sa akin.

***

Hapong-hapo akong napahiga sa carpet. Ramdam ko ang sakit sa parteng ibaba, na tila ba'y namanhid na. Sa murang edad kong ito ay nawala na ang tanging "precious" sa akin. Pati ang dignidad ko. Kinuha nya na.

Nakaidlip ako ng saglit dahil na rin siguro sa pagod, ngunit agad din namang nagising ng marinig ko ang pagsigaw at pagwawala ng stepmom ko.

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon