8. SPIN the ROULETTE to PROCEED OVER the GAME of FOURTH

2.6K 68 3
                                    

8. SPIN the ROULETTE to PROCEED OVER the GAME of FOURTH


Luzvie's POV


Napamulat ako. Buhay pa ko? Hindi ako nasaksak o kung ano man? E sino 'yun? San nanggaling ang ingay na yon?


Ingat na ingat akong sumilip, at may nakita akong lalaking nakasalamin na nasa loob ng malaking aparador. So, all this times, hindi pala ako nag-iisa dito simula kanina?


"Please maawa na kayo! Pakawalan nyo ko. Nagmama--"


Sinapok siya nung isang lalaki, kaya napatigil siya.

"Maawa? Pakawalan? Ba't kita pakakawalan? Sumali-sali ka sa larong ito e, dapat alam mo kung ano ang sinasalihan mo!"


"P-please lang. Maawa na kayo.." garalgal na yung boses nya. "H-hindi lang naman ako mag-isa dito e. May kasama pa ako. Ayun s---" dagdag pa nya pero ginilitan na siya ng leeg bago pa nya masabi ang dapat nyang sabihin. Taena! Muntikan na akong ituro. Hindi! Nagawa nya palang ituro ako. Shet! Patay na!

Pero agad din naman silang tumakbo palabas matapos nilang kitilin ang buhay nung lalaki, at hindi na pinansin ang ginawang pagturo nung lalaki sa akin. Hindi naman sa gusto ko ng mamatay, pero ba't ganun? Kung trabaho talaga nila ang patayin kaming mga contestants, ba't di nya pa ako pinatay? Aish! Things get more complicated than I've expected. Isa lang dapat ang iniisip ko e. 'Yun ay kung sino ba talaga si Fatima that is on my own perspective, e kasali sa larong ito. But here's an addtional, talagang pinapahirapan ako.


Dahan-dahan akong bumaba ng mahimasmasan na ako sa mga nangyari. Dumiretso ako dun sa may verranda, pero wala na siya dun. Dumungaw din ako sa may baba at nagbabakasaling makita ko siya dun, pero sadyang madilim kaya wala akong maaninag na kahit ano. Ngunit sa pagtunghay ko ay may nadanggil ako.

May tao? Hindi kaya siya na ito? Hindi pa man ako nakakaharap ay bigla nya na akong sinakal.


"Uggghh!" Pilit kong inaalis ang braso nya sa leeg ko, ngunit sadyang napakalakas nya. Antagal namin sa ganung posisyon. Hindi ko malaman ang gagawin ko. At patagal ng patagal ay nauubusan na ako ng hininga.


Ngunit nabuhayan ako ng dugo. Ewan ko ba kung saan ko nahugot ang lakas na iyon. Adrenaline rush siguro. Sa tulong non, nagawa kong igalaw ang kamay ko at magawang abutin ang kanyang buhok. Babae! Isang babae ang nais akong patayin. Hinigit ko ng malakas ang buhok nya, dahilan para lumuwag ang pagkakasakal nya sa akin. Agad kong inalis ang braso nya sa leeg ko and pushed her as hard as I could. Tumama ang likod niya sa may pasimano, and there, nagtama ang aming mga mata. Kamalasmalasan, hindi ko siya mamukhaan. Ewan ko ba kung dahil sa madilim, o dahil paiyak na ako kanina kaya medyo hindi malinaw ang aking paningin.


Ang tagal naming nagkatitigan. Habol ang mga hininga namin. Kinuha ko na ang oportunidad na itulak siya doon. Pero malas talaga, nakakapit pa siya sa may pasimano at nahigit pa ang ilang hibla ng aking buhok. Nilakasan ko na lang ang loob ko at pinigilan ang sarili sa pagsigaw dahil baka mahagip ako muli ng mga taya. Mas nilakasan nya pa ang higit, kaya napasubsob na ako. Shet! Napakalakas talaga.


May nahagip ang mata ko......isang paso. Dahan-dahan kong inabot iyon at buong lakas na inihampas sa ulo nya iyon. Agad siyang napabitaw at dire-diretsong nahulog. Bangin na siguro ang babagsakan nya.

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon