17. The AVOWAL of TRUTH pt. 2
Ernestina's POV
Agad akong nagtago sa mga talahib at nagmasid sa kanila. Ayaw ko pa munang magpakita sa kanila ngayon dahil baka masindak sila.
Isod ako ng isod ng maramdaman ko na para bang may isang bagay na nakapwesto sa tabi ko. Isang improvised arrow. Sheez~ Patibong. Agad akong gumalaw mula sa pwestong iyon, na nakaalarma sa tatlo kong mga kaibigan. Natamaan ng pana si Demi, ngunit nagamot naman ito ni Aldrin.
Umalis na sila doon. Nasopresa sila ng madatnang wala na roon ang kotse nila. Kaya wala silang choice kundi maglakad, papunta sila sa Baryo. Sinundan ko na lamang sila, hanggang sa marating iyon ng maggagabi na. Inunahan ko na sila sa mansyon. Madilim naman kaya hindi nila ako napansin.
Dun sa mansyon na iyon naganap ang pagkamatay nilang tatlo. Labis kong sinisi ang sarili ko, dahil hindi ko sila nagawang iligtas mula sa kamatayan nila. Nandun na ako e, sinayang ko pa ang pagkakataon. Kung hindi sana ako nagtago lang, maisasalba ko pa ang mga buhay nila. Kung nagawa ko sanang labanan ang killer na iyon...
Pero isa na lang ang naiisip kong paraan.. ito kasi ang rumehistro sa isip ko nung sandaling iyon, ang MAGHIGANTI!
***
Humanap ako ng paraan para magawa ang plano ko. Apat na taon akong naghanda para lang dito, para lang sa laro.. Masama man, dumalo ako sa isang evil movement, at doon ko hiniling na tulungan nila akong maghiganti, kapalit ng pag-alay ko ng aking kaluluwa. Pinag-isipan ko ito ng matagal bago ko tuluyang isuko ang lahat-lahat sa grupong iyon. Alam kong sa impyerno na ang bagsak ko, pero tanggap ko naman iyon. Gagawin ko talaga ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay..
***
Naipakalat na namin ang mga flyers para sa larong 'GAME OVER'. Malakas ang kutob ko na sasali siya, kaya wala na akong dapat ipag-alala pa.
Kumuha pa nga ako ng kasabwat. Sophie ang pangalan nya. Kinidnap namin siya para magkaroon kami ng spy sa mga bawat pagalaw ni Louise. Alam kong kaibigan niya si Louise kaya siya ang napili ko. Sinabi nya na pa na nahihiwagaan daw talaga siya sa kaibigan nya, na para daw maraming itinatago.
Nung araw ding iyon, nagpakalat ako ng mga tauhan para matiyagan si Louise at sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Kasama na dun ang nanay ni Thalia (Martha) na siyang nakadiskubre nung itim na diary. Halata sa mukha nya ang pagkasindak at pagkabigla nung mabasa iyon. Itinago nya muna iyon sa drawer at bumaba ng salas para tawagan ang anak. Ngunit matapos ang tawag ay hinampas siya ni Louise, dahilan para mawalan ng malay. Iniba talaga ni Louise ang style nya, para palabasin na iba ang killer at hindi siya.
Matapos ang patayang iyon, lumabas na si Louise sa backdoor at dali-daling umalis. Dun na pumasok ang ilang tauhan ko. Kumuha sila ng isang pirasong papel at isinulat ang salitang 'Drawer c:'. Nais naming may makadiskubre nung librong iyon. At hindi nga kami nagkamali.
***
Hanggang sa sumapit ang laro, ako ang Emcee ng laro. Oo, ako 'yung tao sa kabila nung maskarang iyon. Nakalong-sleeves ako para takpan ang mga paso ko. At gumamit kami ng voice emulator para ibahin ang boses ko't hindi niya malaman na ako iyon.
Mabilis naubos ang mga paepal sa laro. Mula 250 nung simula, naging 50+ na lang nung first, 30+ nung second, at 13 nung third.
Ngunit ikinabigla ko ang presensya nya, si Judas. Kasali pala siya sa larong ito. Bakit hindi ko iyon napansin?
Si Judas, ang unang taong minahal ko. 3rd year highschool nung naging kami. Ewan ko ba kung anong meron sa kanya at minahal ko siya. Napakamisteryoso nya kasi. Katropa ko na nung mga oras na iyon sina Demi, Trevor, Harold, at Aldrin at si Judas ang ika-anim na miyembro..
Mag-iisang taon na sana kami nung madiskubre ko ang katotohanan. Anak pala siya ng isang evil leader ng isang organization. Dun pumasok sa isip ko na baka kung anong gawin nya sa akin, at baka mapatay nya ako. Simula nun, 'tila ba'y iwas na ako sa kanya, dulot ng pagdududa ko.
Hanggang sa kumalat ang balitang iyon, at napilitang lumipat ng eskwelahan at ng bansa si Judas. Di ko napigilan ang sarili ko, at umiyak na lang ako ng umiyak. Doon nagsimulang magparamdam ni Harold, na ako daw ang tipo nyang babae. Kaya simula nun hanggang 4th year, naging kami.
***
Anong nangyari kay Sophie? Ayun, binaril ko. Bakit? Masyado kasi siya. Ang sabi ko, takutin nya lang si Luzvie. Sumobra naman sa pananakot, kaya ayun, namatay sya ng wala sa oras, imbis na mabubuhay pa sana siya ngayon..
*end of F L A S H B A C K*
sa kabilang dako...
(a couple of hours/minutes ago..)
Judas' POV
Naglalakad lang ako sa madilim na gubat sa likod ng mansyon. Wala na akong ginawa kundi magtago.
Tss. Nagdududa kayo kung bakit buhay pa ako? E ang dali lang naman kasi nung challenge sa akin. Isang kuha ko pa lang nung susi, nakalaya na ako. E sa inis ko dun sa bouncer na nagbabantay sa akin, ayun, naitulak ko siya dun sa loob nung chamber, kaya siya ngayon ang natusok.
At kung di nyo naitatanong kung bakit ako sumali sa patimpalak na ito, nabalitaan ko kasi na si Ernestina ang nagpapatakbo nito. Lukso ng dugo. Gusto ko siyang makita kaya ayun, napasali ako. Pero tila nagdrift ang feelings ko. Simula ng makilala ko si Luzvie, tila ba pakiramdam ko siya na ang sagot sa mga panalangin ko. Gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako. Pero sa ngayon, ang dapat ko munang gawin ay ang iligtas siya at makaalis sa lugar na ito.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang makarinig ako ng malakas na sigaw.. Sigaw ni ano 'yun ah?
"Ugh! Get off me. Ano bang kailangan mo sa akin? I don't even know you!"
Agad akong napatakbo papunta sa lugar kung saan ko narinig iyon. Hinawi ko ang ilang sanga na nakaharang at ayun. Hindi nga ako nagkamali, si Luzvie nga iyon. Ngunit nakakapit na lamang siya sa bubungan ng second floor at parang mahuhulog na..
Narinig ko pa ang winika nung taong nasa taas nya..
"Hindi ako si Louise, Luzvie. Ako si Fatima."
Sinasabi na nga ba, siya ang Fatima na iyon. Tama ang kutob ko.
Tuluyan na ngang napabitaw si Luzvie kaya hinanda ko na ang sarili ko para saluhin siya. Muntikan ko pa nga siyang mabitawan dahil mataas ang pinagbagsakan niya.
Nawalan siya nang malay, makaraang masalo ko siya. Dahil siguro sa matinding takot na mahulog mula rito, ayun, hinimatay siya. E matakot rin kaya siya 'pag nalaman nyang nahulog na rin ako sa kanya?
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Misteri / Thriller| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...