6. Don't LET YOURSELF FALL for the SECOND GAME
Luzvie's POV
Matapos ang umaatikabong takbuhan na iyon ay bumalik na kami sa aming headquarters. Hindi ko maiwasang magtaka sa mga nangyayari. May iniimbestigahan pa nga ko, pero may pilit nagpapabagl nito. Letse! Kung alam ko lang na ganito pala ang sasalihan namin e, 'di sana umayaw na lang ako. Imbis na isang misteryo lang ang iniisip ko.
Nagtataka na rin siguro sila kung bakit ang tahimik ko, at kung bakit mailap ako sa kanila. Naniniguro lang naman ako. Baka kasi mamaya nakaamba na pala ang kamatayan ko, hindi man lang ako handa. Mataas ang possibility na isa sa kanila ang may kagagawan ng pagkamatay ni Tita.At tsaka, pinapakiramdaman ko silang tatlo. Kulang ang dalawang taong pagkakaibigan para malaman ang mga sikreto at mga baho ng isa't-isa..
"Sophie, mabuti naman nagising ka na?" masiglang bati ni Thalia. Psh! Baka naman nagkukunwarian lang siyang masaya. Baka sa isip nya, gustong-gusto nya na itong patayin. Matalino siya, thus, she can formulate things in just a minute. Magaling 'yan sa logic and probabilities, kaya maaring siya ang killer.
"Ano bang nangyari? Akala ko katapusan ko na.." saad naman ni Sophie. Isa pa 'to. Baka umaakting lang na lampa, pero 'pag papatay na siya ng tao, baka mas mabilis pa sa kidlat. If I know, best actress siya pagdating sa theater class. She may look like an angel, and act like an innocent woman, pero huwag magpalinlang sa kanya. Besides, isa siyang varsity at cheerleader, paanong magiging lampa ang isang katulad niya?
"Pasalamat tayo't hindi pa ngayon ang araw natin." may ngiti sa labi na sabi ni Louise. Tss! Lastly, ang pinaka-obvious sa lahat. Ang pinakamisteryosa at pinakamalihim. Ni wala pa nga kaming alam sa buhay ng isang 'to e. Tapos magsasalita, parang walang kabuhay-buhay. Lagi na lang nakangiti. Is she acting like a killer? She's so obvious..
Pwede rin naman sigurong ako diba? Baka ipinalalabas ko lang na ako ang nag-iimbestiga, pero sadyang palabas lang pala talaga ang lahat. Gumagawa lang pala ako ng alibi para malito ko kayong lahat. Itinutuon ko sa iba ang atensyon para hindi nyo malaman na may ginagawa na pala akong iba. Pwedeng mangyari 'yun diba?
Dahil wala naman akong gagawin dito sa HQ namin at ako'y nauuta na sa mga pagmumukha nila, lumabas muna ko. Tinanong pa nila kung saan ako pupunta, pero hindi ko sila pinansin.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Nakatungo lang ako habang binibilisan ang aking paglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero lakad pa rin ako ng lakad.
*boooooogsh*
SHET! Ito na nga ba sinasabi ko. Why so clumsy, Luzvie? Tsk!
Napataob ako sa sahig matapos ko siyang mabunggo. Masyado siyang malaki para sa maliit na katulad ko kaya ganun na lang ang nangyari sa akin.
Tumayo na ako sa sahig na para bang walang nangyari at saka ipinagpatuloy ang walang paroroonang paglalakad. Hindi ko na ginawa pang lingunin kung sino ang nabunggo ko, nor say sorry to him.
"Miss, diary mo ata 'to. Nahulog mo oh?" Sabi nya sabay wasiwas sa hangin ng Librong itim. Shet! Nakalimutan kong dala ko nga pala ito. Nakasiksik lang ito sa likod na bulsa ng jeans ko kaya nakaligtaan kong dala ko nga pala.
Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabi'y kinuha agad ang libro. Maglalakad na sana ako pero bigla siyang nagsalita na hindi ko inaasahan sa isang estrangherong kagaya niya..
"Pwede mo akong sabihan ng sikreto, ng hinaing o ng pighati na hindi mo kayang sabihin sa mga kaibigan mo. Maaari akong makatulong kahit na hindi mo pa ako kilala. You can trust me!"
***
Louise's POV
Tumunog na ang sirena, bagkus ipinapahiwatig na simula na ang Pangalawang Laro. Lumabas na kaming tatlo mula sa aming kwarto at dumiretso sa field. Kahit labag sa loob ko na sumunod, kailangan kong gawin dahil hawak nya kami sa kanyang mga kamay. Ano mang oras ay kaya nya kaming patayin. E Sino nga ba ang lintik na producer ng larong ito?
"Welcome again. Maswerte kayong mga natira. Kung nakaligtas kayo sa unang laro, makaligtas pa kaya kayo sa ikalawa? Magsimula na kayong tumapak sa mga threadmills kung gusto nyo pang mabuhay. Kung matigas ang ulo, I'll zap your bodies out.." pambungad na salita nung taong nasa harapan. Kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanyang inuutos.
Napansin kong halos nangalahati or lesser ang mga natirang contestants. Hindi tulad kanina na masyadong crowded at maingay.
Tumapak na ako sa threadmill at nagsimula na itong umandar. Sa threadmill na iyon ay may kurtinang nakalagay sa likod. Hindi ko maisip kung para san iyon dahil mahirap mag-process at mag-isip at the same time while in locomotion.
Pabilis ng pabilis ang andar ng threadmill. Wala pa namang nahuhulog o nadadapa sa amin, pero mababasa mo sa kanilang mukha na pagod na sila. Madali lang naman siya e. Tiyak na makakasurvive ako dito.
Ilang minuto na rin siguro kaming tumatakbo. Ikinabigla ko ang sunod na nangyari. Nahawi kasi ang kurtina at nabunyag ang bagay na nakatakip dito. May mga turbines at malalaking elesi doon sa huhulugan namin. Sa sobrang pagkabigla ng ilan ay nadapa at saka nahulog doon. Rinig na rinig ko ang mga gumagalanit na mga laman at kitang-kita ang mga nagtatalsikang mga dugo. Ang iba naman ay nasuka kaya nadulas papunta doon.
"LAST 10 MINUTES!"
Ang kaninang confidence ko ay nawala. I didn't expect na iyon pala ang bagay behind the curtains. Kakayanin ko pa ba? Baka mamay---
"Guys, d ko na kaya! Gusto ko nang magpahinga!" hingal na sabi ni Sophie.
"S-sophie, kayanin mo. Kailangan nating malampasan ito. Makakasurvive tayo dito.." nagpapanic na sabi ni Thalia.
"D ko na talaga kaya. Ayoko na!"
Sa pagsigaw nyang iyon ay napadapa siya at dire-diretsong nahulog.
"SOOOPHIEEE!"
Hindi ko man makita ang nangyari sa kanya, mapagtatanto kong gutay-gutay at hati-hati na sya.
Bigla namang tumigil ang threadmill, hudyat na tapos na ang second game. Iyak ng iyak si Thalia habang naglalakad kami pabalik ng headquarters. Hindi na namin ginawang silipin ang pinaghulugan ni Sophie dahil baka mas lalong bumigat ang pakiramdam namin.
"Kahit mahirap, kailangang magtiis. Tanggapin natin ang nakatadhana sa atin. Life is a written journey. Nakaready na ang mga mangyayari sa buhay natin. All we need to do is to choose between the choices of life." wala sa sariling sabi ni Luzvie. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses nya. Siguro nga, tanggapin na lang namin. Pero, pwede naman kaming lumaban diba? "Maiwan ko na kayo. D na muna ako makakasama sa HQ natin.." dagdag pa nya sabay alis. Di ko na natanong kung bakit, pero alam kong may sikreto siyang itinatago. Nakakacurious ah?
BINABASA MO ANG
GAME OVER (Mystery/Thriller)
Misteri / Thriller| COMPLETED | (LANGUAGE : TAGLISH) D.E.A.T.H.'s Sequel, which is about a human game which is planned for HER and HER friends. 7Million is waiting at the end of the game, but who knows, noone's gonna win, noone's gonna survive. Several obstacles ar...