16. The AVOWAL of TRUTH pt. 1

2K 47 1
                                    

16. The AVOWAL of TRUTH pt. 1

ERNESTINA'S POV


Tss. Akala nya naman hindi ako handa sa gagawin nyang mga taktika. Sasaksakin niya sana ako pero I raised my reflexes up. Ipinaikot ko ang kamay nya sa kanyang likod at diniinan ito. Kahit na artipisyal na lang ang kaliwang kamay ko, may lakas parin ako. Hindi na ako ang lalampa-lampang Ernestina na nakilala nya noon.

"AHHHHH! BITAWAN MO KO! FATIMA, TULONG!" pagpupumiglas nya. Akala nya namang matutulungan sya ni Fatima, e iisa lang naman sila. Sabi na nga ba, simula pa lang ng makita ko siya eh parang may kakaiba sa kanya. Tama nga ang hinala kong isa siyang psycho..

Kinuha ko ang syringe sa bulsa ko't walang anu-ano'y itinurok sa may balikat nya. Ha! Matulog ka muna ngayon. Dahil maya-maya lang, pagbabayaran mo ang lahat. LAHAT-LAHAT!

***


Nakaupo ako ngayon sa isang mataas na stool. Inaabangan ko ang paggising ni Louise, sa kanyang mahabang pagkahimbing.

Dito ko sya dinala sa kwarto ng kapatid nya. Mapapaamin ko rin sya..


Marami na siguro sa inyo ang nagtataka kung bakit at paano pa ako muling nabuhay. Siguro, ito na ang oras para mailahad ko ang mga nangyari. Tunay na nangyari...

F L A S H B A C K (4 years ago)


*toot* *toot* *toot*


"Ernestina"


*toot* *toot*

Alam kong nasa huwisyo pa ako nung oras na iyon. Half-awake pa ako. Langhap ko pa ang nakakasulasok na usok.

*toot* *toot*

"Ernestina. Gumising ka." Kilala ko ang boses na 'yun. Boses ng caretaker ng apartment.


*toot* *toot*


Ramdam ko na parang lumutang ako sa ere. Marahil ay binuhat nya ako. Dinala nya ako sa ligtas na lugar.


*toot* *toot*

Pagkadala nya sa akin sa labas ay muli siyang bumalik sa apartment. Ngunit pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay agad na gumuho ang pundasyon ng apartment dahilan para magising ang diwa ko.


*toot* *toot*

Naalimpungatan ako nung mga oras na iyon. Malinaw na ngayon sa akin kung bakit buhay pa ako ngayon.

*toot* *toot*

Akala ko mamamatay na ako. Akala ko lalamunin na ako ng nagbabagang apoy. Buti na lang at iniligtas niya ako. Pero nakakalungkot dahil hindi na siya nakalabas mula sa gumuhong apartment. Isinakripisyo nya ang buhay niya para sa akin.

*toot* *toot*


Napalingon ako sa gawing kanan ko. 'Yung pesteng maingay na machine pala sa ospital na ito ang kanina pang natunog.

*toot* *toot*

Itinukod ko ang dalawa kong kamay para umupo, nang maramdaman kong parang may kulang. Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko. Napairit ako sa pagkabigla. W-wala na ang aking kaliwang kamay. Magagawa ko pa kaya ang mga bagay na nagagawa ko dati?

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon