10. A KEEN ARTIFICE

2.3K 58 3
                                    

10. A KEEN ARTIFICE




Luzvie's POV





Ako na lamang ang natitira sa aming apat. Bakit ganun? Napaka-unfair talaga! Ayaw ko pa naman ng mag-isa!




"Again, the last contender, Ms. Luzviminda Samaniego. Come here in front. Bilisan mo. Huwag kang feeling VIP." Inis na sabi sakin nung emcee.



Nanghihina akong tumayo at dahan-dahang naglakad papunta sa unahan. Wala na akong makitang iba pang mga contestants sa larong ito, marahil lahat sila'y natapos na kanina.





"Wow! Look at that! You're the only survivor here. But don't be happy, maybe this time, KATAPUSAN MO NAAA!. HAHAHAHA!" tumatawang sabi nung speaker pero hindi ko na lamang pinansin at walang sabi-sabing pinaikot ang roleta. Psh! Baliw na ata itong isang ito..




Patuloy sa pag-ikot ang roleta. Napalakas ata ang paghaltak ko. Habang umiikot ito, isa lang ang iniisip kong kategorya. Ewan ko ba kung bakit ito ang iniisip kong mapapatapat sa akin, leaving those four categories unfavored.




"Ting! ESCAPE!"




Hindi nga ako nagkamali. Ito ang napatapat sa akin. Pero, ang galing naman. Nagkataon lang kaya?





Yumanig ang stage at niluwa nito ang isang oval shaped metal dome. Ewan ko kung ano ang tawag dun, basta bigla na lang itong lumabas mula sa baba ng stage. Bumukas ito at kumawala ang malamig na hangin.




"Surprised? All you need to do is to escape. That's all..." maikling sabi nung nakakairitang speaker.




What the heck? Anong klaseng instruction 'yun? Natural, tatakas ako, given na 'Escape' ang napatapat sakin. Taena! No more hints or what. Maduga! Katapusan ko nga siguro.




Wala na akong nagawa kundi pumasok sa unidentified object na iyon. Agad itong sumara matapos kong pumasok. May karagdagan pa iyong tunog, na siguro'y senyales na 'I'm locked in this f*cking dome'.




Napakatahimik sa loob nito. Wala akong marinig na ingay, kundi 'yung tunog na kaparehas sa mga refrigerators and airconditioners. Hindi ako sigurado. Ano ba kasi itong napasaukan ko?




May dalawang lightbulbs sa magkabilang dulo nito na syang nagbibigay-liwanag sa loob. May kalakihan naman kasi ang dome na ito, but I'm still sitting upright. May malaking bag din sa loob pero natatakot akong galawin. Baka kasi isa iyong trap. I couldn't imagine what's inside that bag. Medyo bulky ito, at parang maraming laman. Neither way, hindi ko nalang ito ginalaw para mas safe.




Nakatunganga lamang ako sa loob noon. Wala naman kasi akong maisip na gawin.




Napabuntong-hininga na lamang ako, sign ng pagkabagot. Eksakto naman na makita kong may lumabas na usok sa aking bibig. 'Yung gas na ineexhale ng mga tao during winter season sa ibang bansa. Ganun! Wag mong sabihing...mamamatay ako sa lamig?




Shet! Magiging malamig na bangkay na nga ako, tapos ang pagkamatay ko pa ay dahil sa sobrang lamig..




Palamig ng palamig sa loob. Ramdam ko ang pagdikit ng balat ko sa dingding na gawa sa metal. Kaya pala, tama nga ang konklusyon ko dun sa tunog kanina. That's the same sound as conditioning the room in low temperature. At ngayon ko lang din napansin 'yung maliit na digital watch sa may paanan ko. And apparently, that's a thermometer. From 26°C, gumalaw ito down to 20°C, and is gradually decreasing, obviously.




Shaking due to coldness and fear, napadako muli ang tingin ko sa malaking bag na nasa gilid. No choice na ako kundi halungkatin ang loob nito. Take some risks. Death is on it's way.





Itinapon ko lahat ng laman ng bag. Nagkalampagan ito sa platform na kinauupuan ko. Puro tools pala ang laman niyon. Kung alam ko lang sana, kanina ko pa ito tiningnan at binuklat.




Martilyo, mga pako, screw drivers at driller ang laman nung bag, for short, mga toolbox paraphernalias. E ano naman kayang maitutulong nito? Di bale ba kung gawa sa kahoy ito e, pero hindi e.




Sinubukan kong pukpukin ang itaas nito ngunit nabingi lamang ako at wala naman itong naidulot na maganda. Kung hindi pwede ang martilyo, wala na ring saysay ang pako.




Sunod ko namang pinulot ang driller, pero napagtanto kong wala naman itong saksakan kaya naibato ko ito sa inis. Natamaan ang isang lightbulb kaya nabasag ito. Biglang may pumasok sa isip ko......Sana gumana.




Winasak ko ang adapter nung driller, exposing two different colored wires---a red and a blue one. Sinunod ko namang alisin ang nabasag na bombilya. Medyo naground at napurungo pa ako, ngunit ininda ko na lamang ang sakit. Priority ko ang mabuhay sa ngayon..




Isiniksik ko ang dalawang wire dun sa socket. But there's problem. Gumagana nga siya nung sandaling ininsert ko 'yung mga wire, but the things is, kumakalas ito kapag pinapaandar ko na. Hindi kumakagat ang wire sa mismong socket.




Naikuskos ko na lamang ang dalawang palad ko sa inis. The temperature is getting colder and colder. Nang tignan ko muli ang digital thermometer, the numbers displayed are at 7°C. Kaya pala parang namamanhid na ang buo kong katawan. Nahihirapan na rin akong huminga, na para bang nakakaranas ako ng clogged nose. I can't barely move a muscle....ang hirap.




Though mahirap gumalaw, sinubukan ko muling pagganahin ang driller, ngunit sadyang kumakalas talaga ito. Nakakainis naman!




Dahil dun, nagpanic na ako. Pinagsisipa ko ang metal na dingding. Pinukpok ko din ang dingding gamit ang aking kamay. Nagsisigaw rin ako. Put*ngina!




Habang nagwawala ako sa loob ay bigla na lamang may lumangitngit. At sigurado akong galing iyon sa platform ng dome na ito. Huh? Ano 'yon? Paanong...




Kinuha ko ang martilyo at hinampas ng todo-todo ang aking pinagtutuntungan. Nabutas ito. Dun pumasok sa isip ko na gawa pala sa kahoy ang ilalim na parte nitong dome. Sheeez~ Iyon naman pala e. Kaya pala medyo slouchy ito nung inupuan ko kanina.




Walang sabi-sabi'y hinampas ko pa ulit ito ng hinampas. The hole got bigger, and soon, lumitaw ang ilalim na parte. It is composed of several wirings. Napakaraming wire nito. Industrial arts or whatsoever is not my thing. Anong pipiliin ko sa mga ito?




Sus! Pag-iisipan pa ba 'yun? Hindi na nga nagana ang isip ko, edi balewala lang ang pag-iisip ko. Bahala na!




Pinulot ko ang dalawang screwdriver at tinadtad ng tusok ang mga wire. Iba't-iba ang mga kulay nito, na siguro ay may kanya-kanyang purpose. Agad namang namatay ang ilaw at tumigil ang paglabas ng malamig na hangin. Pero hindi pa rin bumubukas ng tuluyan ang dome. Fvck? I'm stucked?




But that didn't stop me from trying. Hindi ako pinanghinaan ng loob. Bakit naman ako panghihinaan ng loob, ngayon pa ba? Ngayong ako na lang ang natitira.. Kailangan kong mabuhay.Kailangan kong mabuhay para sa kanilang lahat. For my family. For my friends. Para kay Judas.





Kinapa ko ang ilalim na parte, kung saan naroon ang mga wasak na wirings. Kahit na kumikislap-kislap ang mga wire ay hindi ako natakot. And there, nakapa ko ang nag-iisang wire na walang bahid ng destruction. Kaya naman pala hindi pa bumubukas, hindi ko pa nasisira 'yung isang circuit. Akala ko, series circuit ang ginamit, parallel pala. Yeah! Hindi man Industrial Arts ang paborito ko, may alam naman ako kahit papaano no?




Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang langitngit sa mismong bukasan nung dome, hanggang sa tuluyan itong bumukas. Buong akala ko, katapusan ko na. Mabuti't hindi ako pinanghinaan ng loob. Thank God.

GAME OVER (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon