Athena's POVChecktime 4:30 AM
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Hindi ako makatulog ngayon. Isipin nyo yun, nakaabot ako ng 4:30?
Paano, kinakabahan ako mamaya. MP test na ngayon. Hindi ko nga alam kung aattend pa ba ako o hindi eh.
Tumayo ako sa kama at kinuha ko yung phone ko. Naglaro laro muna ako at dumeretso sa banyo para maligo. After ilang minutes, lumabas na ako sa banyo at nagbihis. Sinuot ko ung gray kong jacket at nag leggings ako na black. Sinuot ko na din ung white kong nike rubber shoes na may dalawang lining na black sa gilid.
Checktime, 4:45 AM.
Masyado pang maaga para pumunta sa school. Pumunta muna ako sa Park para mag training kahit saglit. Andito na ako ngayon sa park at nagmuni muni. Tumayo ako at nagpractice maglabas ng powers ko.
Wala namang nakatirang ordinaryong tao dito sa village na to sa pagkakaalam ko. Most of all ata mga estudyante sa school namin.
Nagtry muna akong maglabas ng isang maliliit na blades. Hindi ko pa kayang maglabas ng malalaki dahil hindi pa kaya ng katawan ko. Pumikit ako at nagconentrate sa ginagawa ko. Kailangang magawa ko ito kung hindi, hindi ko makukuha ang ID ko.
''Sana naman maggawa ko kahit ngayon lang."
Nagulat ako ng biglang lumaki ang ginagawa kong blades na kulay blue. Paano na to? Nagtry ako na alisin ito ngunit nabigo ako. Pumikit na lang ulit ako at nagconcentrate.
Pagdilat ko, nakita kong wala na ang mga blades at napatango na lang ako at umupo sa may swing.
Kinakabahan talaga ako. Isipin niyo yun, first na performance mo at worst, lahat pa makakapanuod sayo. Lalo na't hindi ko pa kaya masyadong I- control lahat ng powers ko.
Hindi kasi ako naturuan ni hitler eh.
"Siya ba talaga ang may kasalanan ah?" Rinig kong sabi ng isang lalaki at bigla akong tumingin sa likod. Nakakatakot ag boses niya.
Wala namang tao ah? May multo ba dito?
Humarap ulit ako ng tingin at nagulat ako sa nakita ko. Shit, I'm doomed.
Dark's POV
Nandito ako ngayon sa labas at palakad lakad. Ang dahilan? pano, hindi ako mapakali para mamaya. Hindi dahil sa akin kung hindi dahil sa babaeng yun, si Athena.
Bakit nga ba ako nag aalala dun? Gumising ka nga Dark. Mukha akong tangang Sinampal sampal ko ang sarili ko habang naglalakad.
"You look like an idiot Dark, really." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ulit ung babeng nagsalita.
Narinig ko na din ung boses na yun ah? Saan nga ba?
Yung nagsabi sa akin na sineseryoso ko daw ung deal. Sino ba yun? Pero tama siya, I look like an idiot.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nakarating ako dito sa may park. Buti na lang at walang katao ta------ Wait? S-si hindi wait...teka oo nga!
Si athena nga. Sinuot ko ang nerdy glasses ko at ang hood ko. Naglakad ulit ako pero hindi niya ako nakikita kasi nakatalikod siya.
Ano nanaman bang kalokohan ang ginagawa ng babaeng yan? Madaling araw pa lang lumalabas na. Delikado kaya lalo na't babae siya.
Umupo ako sa may likod niya sa isang bench. Nakita kong nakapikit siya at parang nagcoconcentrate. Don't tell me na nagppractice siya para mamaya?
BINABASA MO ANG
Her Darkest Affection
Fantasy"She was his Dark Fairytale and he was her Twisted Fantasy. And together they made Magic." Open the chapter where the magic and power invades~