Chapter 3:Finding Her

44.6K 1.2K 45
                                    


Samantha Pov

Naglalakad kami ngayon dito sa hallway hinahanap kasi namin si Crizzania, bigla nalang siyang nawala kanina sa cafeteria. Dapat pala nauna kaming mag-order para di siya nawala sa paningin namin.

Dami kasing arte ni Megan eh, naku kung hindi ko lang to kaibigan baka kinuha ko na ang kaluluwa niya tapos pinakain ko sa mga alaga ko.

"Nasan naba ang babaeng yun?" iritang tanong ni Megan sabay punas ng pawis niya. Ayan na naman po ang reyna ng kaartehan. Nagsisimula na naman siyang mag-reklamo.


"Meg, kung hindi ka ba naman reklamo ng reklamo diyan at naghanap nalang sakaniya, baka maligaw nayun dito sa academy."

"Buti nga sa kaniya" tinampal naman ni Jannice ang balikat niya at sinamaan ng tingin.

"Tigilan mo ko Megan!"

"Fine highblood ka kaagad jannice, im just stating the fact, kung hindi ba naman siya tanga at umalis mag isa" napailing nalang ako, minsan sarap ipatapon ni Megan ang tabas ng dila.


"Nalibot na yata natin lahat dito sa academy hindi pa din natin siya mahanap"pagod na ako parang nawala lahat ng kinain ko kanina at gutom ulit ako.

"Hi sam," napaangat naman ako ng tingin at nakita si Brent sa harapan ko. Nakangiti pa siya habang kinakamot ang ilong. Ang cute niya! nginitian ko nalang din siya dahil nahihiya ako.

"What are the three of you doing here?" napatingin kami sa pinsan ko ng bigla nalang siyang magtanong. Nandito din pala silang tatlo, akala ko si Brent lang, oh well, kung nasan naman ang isa nandon din silang tatlo.

"May hinahanap kasi kami Kent," sagot ni Jannice sa kaniya.

"And what is it?"


"Our new friend, bigla nalang nawala kuya Kent, ngayon ako naman ang sumagot sa kaniya. Tinignan niya ako tapos napatingin kay Brent na nasa tabi ko. Napayuko naman ako kasi baka mahalata niya ako eh, lakas pa naman pandama ng isang to.

"Sino?"

"Crizzania"

"Do you need help? Para naman akong natuod dahil narinig ko ang boses niya. Ano ba Brent baka hindi ako makapagpigil at mayakap kita, naman eh bakit kasi nandito pa sila kuya.

"Can you help us? Hindi ba nakakaabala kami sa inyo, ang dami niyo pa kasing ginagawa," nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Sure, makakapaghintay naman yung mga gagawin naming; hindi din naman yun dun aalis sa office."

"Really?" Parang nabuhayan naman ako, kasi sasamahan niya ako. kinikilig ako!

"Ehem," taka kong tinignan si Jannice, kasi nakataas ang kilay niya habang nakatingin samin ni Brent.

Kumunot noo ako, kasi hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig niya. May nginuso naman siya at sinundan ko ito ng tingin. Parang nalunok ko yata ang dila ko kasi ang talim ng tingin ni kuya Kent samin ni Brent.

"Sam, come here." Ayaw ko pa sana siyang sundin, kaso nakakatakot siya. Baka masunog ako ng wala sa oras pag nagkataon. Kahit nanginginig sa takot lumapit ako sa kaniya

"What is it, Kuya?" I innocently ask him.

"Stay right behind me, wag kang lalayo, baka kung sino sino ang dikitan mo," pagkatapos tinignan niya si Brent ng matalim.

Naawa naman ako kay Brent, kasi mukhang galit pa yata si kuya sa kaniya.


"Lagot kana Brent, maghanda na kaya ako ng kabaong mo," pangaasar ni jake sa kaniya.

"Tigilan mo ko jake baka ikaw ang bilhan ko ng kabaong."

"Ito naman di mabiro, pero incase lang naman maghahanda na kami ni Kyle."

"Tangina niyong dalawa" natawa naman kaming lahat syempre except kay kuya Kent, hindi ko pa nga yatang nakitang ngumiti to simula noong bata pa kami. ang tahimik niya din. Parang may galit sa mundo palagi.

"Let's go hanapin na natin ang kaibigan niyo." Wala na kaming nagawa pa at sumunod nalang sa kaniya.

Naglalakad lang kami hanggang sa mapadpad kami sa Garden. Hindi pa din naming siya mahanap. Nasan na ba kasi si Crizzania, kapag nakita ko yun mahihila ko buhok non sa inis, pinapagod niya ako eh.

"Mukhang wala dito ang kaibigan niyo, san niyo ba siya huling nakasama?" Jake asks us. Habang nakasandal sa isang puno.

"Sa cafeteria, naiirita na talaga ako sa babaeng yung pinapahirapan niya yata tayo."

"I think magpahinga na muna tayo dito, ang hirap kayang maglakad sa tirik na araw." Reklamo din ni Kyle at tumabi kay Jake.

Sumang ayon nalang din kami, kasi nakakapod na din. Pipikit na sana ako habang nakaupo sa tabi ni Jannice ng bigla nalang marinig namin ang mura ni kuya.

Napatingin kaming lahat sa kaniya at nakita namin na sapo niya ang ulo nito.

"What happened? I ask him as soon as possible. Isang can ng juice na nahulog yata sa ulo niya.

"Damn*" napatingin kaming lahat sa itaas ng puno, and there we saw the person we were looking for. Kaya pala hindi naman siya mahanap hanap kasi nasa taas siya ng puno.

Nakatingin lang siya sa amin na parang hindi niya alam kung bakit kami nandito.

"Criz! "tawag ko sa kaniya. Bumaba naman siya at tinignan si kuya.

"Sorry, hindi kita napansin, nalaglag yung can sa ulo mo." Sabi niya kay kuya habang nakayuko. Eh? Anyare sa kaniya?

Legacian Academy 1: The Priestess GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon